Barbie Imperial, inaming hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

Barbie Imperial, inaming hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

- Sa isang panayam, inamin ni Barbie Imperial na hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

- Gayunpaman, hindi na niya idinetalye ang dahilan ng kanilang hiwalayan

- Aniya, kaya baka paulit-ulit na lang na nangyayari sa kanya iyon ay dahil baka hindi niya minahal ang kanyang sarili

- Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan nila matapos magtungo sa Amerika si Diego nang hindi siya kasama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Barbie Imperial na totoo ang balitang hiwalay na sila ni Diego Loyzaga. Hindi na nito ibinahagi kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Barbie Imperial, inaming hiwalay na sila ni Diego Loyzaga
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Gayunpaman, aniya, kaya baka paulit-ulit na lang na nangyayari sa kanya iyon ay dahil baka hindi niya minahal ang kanyang sarili.

"Natutunan ko na baka kaya pauli-ulit na nangyayari sa akin 'to kasi hindi ko minamahal yung sarili ko. Kasi it's like all the same stories each boyfriend, so for me, parang what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ang mahalin ko?"

Read also

Dating guro sa Pinas, masaya na ngayon sa pagiging welder sa Canada

Ito ang naging pahayag ni Barbie Imperial sa panayam ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe. Matatandaang nasangkot din sa kontrobersiya ang dalawa dahil sa pag-uugnay kay Diego sa co-star nito sa isang pelikula na si AJ Raval.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa second virtual press conference ng kanilng pelikula nila ni Barbie na Dulo, inunahan n ni Diego Loyzaga ang mga press at vlogger na mag focus na lamang sa mga tanong tungkol sa kanilang pelikula.

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Vice Ganda, nagdaos ng gender reveal para sa anak ni Angeline Quinto

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel