Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nakabonding ang kanilang mga ina

Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nakabonding ang kanilang mga ina

- Marami ang natuwa sa mga pictures ng magkasintahang Barbie Imperial at Diego Loyzaga

- Kasama nila ang kanilang mga ina at mayroon ding picture na magkasama ang kanilang mga mommy

- Matatandaang kamakalan lang ay ibinahagi ni Teresa Loyzaga ang kanyang kasiyahan para sa kaligayahan ng anak niya at ng kasintahan nito

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang mga litratong ito ng real-life couple na talaga namang pinag-usapan nitong mga nakaraang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga tagahanga nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang lalong kinilig sa mga lumabas na mga pictures ng magkasintahan nitong mga nakaraang araw.

Bukod sa kanilang dalawa, mayroon din silang pictures na kung saan kasama nila ang kanya kanyang mga mommy nila na suportado ang kanilang pagmamahalan.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nakabonding ang kanilang mga ina
Teresa Loyzaga at Diego Loyzaga (@teresaloyzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Janella Salvador, masaya sa pagbabalik-trabaho niya matapos ang 15 buwan

Mayroon ding picture kung magkasama ang mommy ni Diego na si Teresa Loyzaga at si Mommy Bing Imperial, ang ina ni Barbie.

Ikinatuwa din ng mga fans ang picture nina Mommy Bing at Diego.

Matatandaang kamakailan lang ay nagpahiwatig si Teresa ng kanyang pagsuporta sa pag-iibigan ng dalawa.

Narito ang reaksiyon ng ilan sa kanilang mga tagahanga:

Praying na maging mag balae na in real si mami bing at mami tere.
Masaya kami na makita na masaya kayo.
Mas mkhang anak ni Teresa si Barbie no wonder Diego loves Barbie..

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Jimmy Santos, pinakita ang kanyang pag-"sideline" sa palengke

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel