Jimmy Santos, pinakita ang kanyang pag-"sideline" sa palengke

Jimmy Santos, pinakita ang kanyang pag-"sideline" sa palengke

- Kinaaliwan ang vlog ni Jimmy Santos kung saan pumasyal siya sa Pampang public market sa Angeles City, Pampanga

- Kinamusta niya ang mga taong kanyang nakitang naghahanapbuhay doon kabilang na ang mga tindero at tindera

- Habang kinakausap ang isang may-ari ng meat stand, tumulong din siya sa pagtitinda

- Maging ang mga taong nakakakita sa kanya sa palengke ay natuwa sa kanyang pagiging mapagbiro at masayahin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang panibagong vlog na pinamagatang, Jimmy Santos suma sideline sa palengke, sinadya ni Jimmy Santos ang Pampang public market sa Angeles City, Pampanga kung saan kinamusta niya ang mga taong naghahanap-buhay.

Jimmy Santos, pinakita ang kanyang pag-"sideline" sa palengke
Jimmy Santos (Screenshot from Jimmy Saints YouTube channel)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang bahagi ng kanyang video ay tumulong siya sa paghiwa ng karne na itinitinda sa isang meat stand. Nakipagbiruan din siya sa mga taong naroroon at marami ang naaliw sa kanyang natural na pagiging komedyante.

Read also

Dating aktor na ngayon ay isa nang doktor na si Josh Santana, tinamaan ng COVID

Marami din ang humanga sa pagiging simple nito sa kabila ng kanyang kasikatan noong aktibo pa siya sa showbiz.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

Eto po ang halimbawa kung papaano mag-entertain at magpatawa nang hindi nanlalait ng ibang tao. Maraming salamat po Tito Jimmy!
Jack of all trades! Masipag talaga c Jimmy Saints natin. Will wait how you do your palengke sideline. . Nakakaaliw! More to learn from you Big Beautiful Boy of the Philippines.
Completos recados ang inyong blog Kuya Jimmy. May sangkap ng history, hinaluan ng reality mula sa iyong mga interviews sa mga kababayan natin kung ano na ang kanilang paghahanap buhay ngayon. At higit sa lahat ay may karagdagan pang mga nakakaaliw mong jokes na kwelang kwela, parang spices na nakakagana sa amin para lalo ka naming tangkilin. Completos recados talaga..wala ka nang hahanapin pa. Keep it up Kuya Jimmy, my idol.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Lyca Gairanod, kinagiliwan sa kanyang panibagong video kasama ang kanyang lola

Si Jimmy Santos ay naging basketbolista bago pa man niya pinasok ang mundo ng showbiz. Taong 1970 nang magsimula siyang lumabas sa mga pelikula kasama si Fernando Poe Jr. Nakilala naman siya sa pagpapatawa nang maging bahagi siya ng Iskul Bukol at T.O.D.A.S.: Television's Outrageously Delightful All-Star Show.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, naging usap-usapan kamakailan ang matagal na pagkawala ni Ruby Rodriguez sa nasabing noontime show. Kinalaunan, inamin niyang nagkaroon na siya ng ibang trabaho sa ibang bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel