Dating aktor na ngayon ay isa nang doktor na si Josh Santana, tinamaan ng COVID

Dating aktor na ngayon ay isa nang doktor na si Josh Santana, tinamaan ng COVID

- Ibinahagi ng dating aktor at singer na si Josh Santana na nag-positibo siya sa COVID-19 virus

- Aniya, hindi talaga malayong tamaan siya ng COVID lalo at isa siyang doktor na naglilingkod sa kasalukuyan

- Gayunpaman, aniya ay proud siya sa kanyang mga nagawa at dasal niyang malampasan niya ang pagsubok na kinakaharap niya

- Sabi pa niya, kapag gumaling na siya ay walang pag-aalinlangang babalik siya bilang isang fronliner

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Josh Santana ang positibong resulta ng kanyang COVID-19 test. Nagkataon naman umanong lumabas ang kanyang resulta habang ina-upload niya ang isang video ng kanyang pagkanta na alay niya sa lahat ng dumaranas ng COVID.

Dating aktor na ngayon ay isa nang doktor na si Josh Santana, tinamaan ng COVID
Josh Santana (@thejoshsantana)
Source: Instagram

Aniya, inaasahan niya na ring posible talaga siyang mahawaan dahil isa siyang frontliner. Ipagdadasal na lamang umano niyang malampasan niya ang pagsubok.

Read also

Video ng ina na nakatanggap ng Php 1 million bilang birthday gift ng anak, viral

So, here it is! I’m Positive. Scary as it is, I think it was only a matter of time that I too would get the virus. I’m still very proud of the work I’ve done and I pray that I get through this.

Nilinaw niyang babalik siya sa paglilingkod bilang frontliner 'pag gumaling na siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When I get better, I will go back to the frontline with zero hesitations, because at the frontline is where I belong.

Si Josh Santana ay nakilala noong taong 2000s hindi bilang singer ngunit bilang isang aktor. Naipareha siya kay Carol Banawa sa ABS-CBN teleserye na pinamagatang 'Bituin'.

Siya din ang kumanta ng theme song ng seryeng 'Basta't Kasama Kita'

Isa sa pinakasumikat niyang awitin ay ang 'Biyahe' na isang tagalized version of 'Can't help falling in love' para sa Taiwan hit series na Meteor Garden.

Read also

Angel Locsin, sinagot ang suhestyon ni Ogie Diaz na tumakbo bilang senador

Sa awiting Dito sa Puso Ko na theme song ng 'Qpids', naka duet niya si Nikki Gil.

Matatandaang matapos ang kanyang pagiging bahagi ng showbiz ay napiling tahakin ni Josh ang pangarap na maging doktor. Isa siya sa mga doktor na naglilingkod sa kasagsagan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID sa bansa.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel