Carla Abellana, nagbahagi ng picture kung saan burado na ang kanyang singsing

Carla Abellana, nagbahagi ng picture kung saan burado na ang kanyang singsing

- Muling lumikha ng ingay ang Instagram post ni Carla Abellana kamakailan

- Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na dati niya nang naibahagi ang ilan sa mga pictures niyang iyon

- Gayunpaman, ang pinagkaiba ay may suot siyang singsing sa nauna niyang post noong November 2021

- Sa kanyang panibagong post ay kapansin-pansin na wala na itong suot na singsing ngunit parehas na parehas iyon sa dati niyang picture na ibinahagi

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilang netizens ang nagkomento sa pictures na ibinahagi ni Carla Abellana dahil sa umano'y pag-edit niya sa pamamagitan ng pagbura ng kanyang singsing. Nauna niya nang naipost ang isa sa mga pictures noong November 2021 ngunit may suot pa siyang singsing doon.

Carla Abellana, nagbahagi ng picture kung saan burado na ang kanyang singsing
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Sa kabila ng mga komentong ito ay wala pa ring inilabas na pahayag si Carla kaugnay dito. Gayunpaman, kapansin-pansin ang patuloy na pag-like at pag comment ni Tom sa kanyang mga social media posts.

Read also

Julia Barretto, nag-post tungkol sa "love that doesn't include honesty"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Guilty ako. I've done this before sa engagement ring ko habang LQ kami ng fiance ko. childish, yes. Pero ewan. Hahaha. Atleast going strong kami ngayon. Let them be nalang. Hanggat hindi sila official na hiwalay, then LQs are normal.
Di tayo pare pareho ng way to express pain. Hindi natin alam lahat. Let her be, people are hating on her kase kulang sa details na imamarites
I checked, oo nga, inedit nga, binura yung engagement ring :( haaay sayang. Si tom parang si alwin nung sinusuyo ni jenica.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Read also

Ivana Alawi, naikwentong naging online seller siya noon ngayong CEO na siya ng sariling negosyo

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na ngayon ay asawa na niyang si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel