Julia Barretto, nag-post tungkol sa "love that doesn't include honesty"

Julia Barretto, nag-post tungkol sa "love that doesn't include honesty"

- Marami ang naintriga sa ibinahaging Instagram story ni Julia Barretto kamakailan tungkol sa pag-ibig

- Sa kanyang ibinahaging pahina mula sa thriller novel ni Alex Michaelides na The Silent Patient

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kapansin-pansin na naka- highlight ang ang quote na "Love that doesn’t include honesty doesn’t deserve to be called love"

- Gayunpaman, sa kanyang YouTube channel ay binahagi niya ang kanilang nature trip kasama si Gerald Anderson

Naging palaisipan sa ilang netizens kung ano ang ibig sabihin ng makahulugang quote na ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang IG story. Kapansin-pansin na naka- highlight ang ang quote na "Love that doesn’t include honesty doesn’t deserve to be called love."

Julia Barretto, nag-post tungkol sa "love that doesn't include honesty"
Julia Barrett0 (@juliabarretto)
Source: Instagram

Ito ay mula sa mula sa thriller novel ni Alex Michaelides na The Silent Patient.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ivana Alawi, naikwentong naging online seller siya noon ngayong CEO na siya ng sariling negosyo

Gayunpaman, sa kanyang YouTube channel ay binahagi niya ang kanilang nature trip kasama si Gerald Anderson.

Hindi man naging maganda ang pagtanggap ng ilan sa kanilang relasyon noong una nila itong isinapubliko, unti-unti na ding dumarami ang sumusuporta sa kanilang pagmamahalan.

Maging ang pamilya ni Julia ay palagi na ring kasama ang magkasintahan sa kanilang mga family gatherings. Ang ina ni Julia na si Marjorie ay nauna na ring nagpahayag ng kanyang suporta sa relasyon ng dalawa.

Gusto umano niya si Gerald para sa anak dahil napapasaya niya si Julia.

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Read also

Jam Magno, sinabing 'one of the best things' ang desisyong paglisan ni Toni Gonzaga sa PBB

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel