Pauleen Luna, ibinida ang picture nila ni Baby Mochi

Pauleen Luna, ibinida ang picture nila ni Baby Mochi

- Ibinahagi ni Pauleen Luna ang picture nila ng kanyang anak na si Baby Mochi

- Ginaya ni Pauleen ang anak na nakapikit at marami sa kanyang mga followers ang nakapansin na magkamukha daw ang mag-ina

- Umani ng mga komento at samu't-saring komento ang post na ito ni Pauleen sa kanyang Facebook page

- Matatandang nitong January 23, 2024 isinilang ni Pauleen ang pangalawang anak nila ni Vic Sotto

Ibinida ni Pauleen Luna ang picture nila ng anak niyang si Baby Mochi. Sa naturang post ay marami sa mga netizens ang nagsabing magkamukha ang mag-ina.

Pauleen Luna, ibinida ang picture nila ni Baby Mochi
Pauleen Luna, ibinida ang picture nila ni Baby Mochi
Source: Facebook

Ginaya ni Pauleen ang anak na natutulog kaya lalong nakita ng mga netizens ang kanilang pagkakahawig.

Umani ng mga komento at samu't-saring komento ang post na ito ni Pauleen sa kanyang Facebook page. Narito ang ilang komento:

Sleeping mother Beautiful Poleng and Cute Mochi

Read also

Kim Chiu, kinaaliwan sa post niya tungkol sa aniya'y pinsan niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wow sleeping beauty Sila dalAwa
Ang cute ng mag ina,kamukha c mochi sa mommy nya

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Read also

Coco Martin, napansing malungkot si Jaclyn Jose sa mga huling eksena nito

Kamakailan ay binahagi ni Pauleen ang isang pasilip sa bagong silang na anak nila ni Vic Sotto. Makikita ang bibig at ang maliit na bahagi ng pisngi ng baby sa post ni Pauleen sa kanyang Instagram story kalakip ng kanyang pagbati. Binahagi rin ni Pauleen ang picture ng panganay na anak na si Tali na may hawak na bulaklak. Matatandaang nag-post si Pauleen kahapon ng kanyang pinakahuling selfie bago siya manganak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel