Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

- Usap-usapan ang isang video na kuha sa isang event kamakailan kung saan muling nagkasama sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi

- Sa naturang video ay may kasama silang isa pang host at kinailangan na nilang mag-exit

- Nauna si Kyline sa pag-alis sa entablado at dinaanan lamang nito si Mavy at marami ang nakapansin na hindi nito siya nilingon

- Hanggang sa kasalukuyan ay walang nilalabas na pormal na pahayag sina Mavy at Kyline kaugnay sa espikulasyong hiwalay na sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ang video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event. Sa kanilang pag-exit sa stage ay marami ang nakapansin na tila hindi pinansin ni Kyline si Mavy.

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral
Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral
Source: Instagram

Kadalasan sa kanilang mga videos ng pag-exit nila sa entablado ay magkahawak-kamay pa sila. Kaya naman, lalong naging maugong ang espikulasyong hiwalay na nga ang dalawa.

Read also

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

Hanggang sa kasalukuyan ay walang nilalabas na pormal na pahayag sina Mavy at Kyline kaugnay sa isyu. Gayunpaman, ang mga cryptic posts ni Kyline nitong mga nakaraang araw ay naging basehan ng ilang netizens.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Yan ang professional, my pinagdadaanan man ay Work pa rin ,
Walking away is not a bad thing lalo na kung nakakapagprovoke pa ng bugso ng emosyon.. It's fine to be human..
Its called contractual obligation. Kahit wala na kayo kung nasa kontrata tiis tiis muna

Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Ilan sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.

Read also

Sarah Lahbati, ibinahagi ang kanyang bagong sasakyan

Matatandaang naging guest sa It's Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng "Rampanalo." Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.

Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel