Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral

Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral

- Nagkita sina Kim Chiu at Maja Salvador sa katatapos lang na ABS-CBN ball at nagkayakapan

- Sa naibahaging picture ng dalawa, marami ang natuwa at nagkomento

- Matatandaang kamakailan lang ay naibahagi ni Kim ang kanyang sagot kaugnay sa kung bakit wala siya sa kasal ni Maja

- Ani Kim, hindi siya naimbitahan pero naiintindihan daw niya iyon at masaya siya para kay Maja at sa asawa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkita sina Kim Chiu at Maja Salvador sa ABS-CBN ball. Makikitang nagkayakapan pa ang dalawa sa picture na naibahagi sa social media.

Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral
Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Kamakailan ay sinagot ni Kim ang tanong kung bakit wala siya sa kasal ni Maja.

Ani Kim, hindi siya imbitado ngunit aniya, naiintindihan niya iyon at masaya siyang tunay para kina Maja at Rambo Nuñez. Hindi naman daw sila ganoon ka close ni Maja kaya alam niyang ang gusto ni Maja na naroroon sa importanteng okasyon ng buhay niya ay ang mga taong malapit sa kanya.

Read also

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

Samantala, marami ang natuwa at nagkomento sa picture nila:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maturity, moving on, both are blessed in their career, love life, life is too short to dwell on their past issue
Andon na tayo sa nagkalamat ang friendship but people like them na masayahin, mababait at mukhang walang bitterness sa buhay possible na genuine ang pinapakita nila na at peace sila.
Agree wala sila issue, normal na may magkakaibigan na nagkaka falling out, but look at them, mature and still talking despise of the past

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Read also

Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel