Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon"

- Naitanong kay Gerald Anderson kung napag-uusapan na nila ni Julia Barretto ang tungkol sa pagpapapakasal

- Sa video na naibahagi ng Philstar sa YouTube ay sinagot sila ni Gerald na darating din daw iyon

- Aniya, mas marami pang problema sa mundo sa kasalukuyan

- Matatandaang magkasamang dumalo sa ABS-CBN ball sina Julia at Gerald

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Gerald Anderson ang katanungan kung napag-uusapan na daw ba nila ni Julia Barretto ang pagpapakasal. Sa video na naibahagi ng Philstar sa YouTube, sinabi ni Gerald na mas marami pang problema sa mundo ngayon.

Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo.."
Gerald Anderson, natanong tungkol sa kasalan: "Mas marami pang problema sa mundo.." (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Sa kanilang pagdalo sa ABS-CBN ball ay sweet na sweet ang magkasintahan. Kaya naman, naitanong sa kanila kung napag-uusapan na raw ba nila ang kasal.

Speaking of edeavors, level-up na ba? Napag-uusapan na ba ang you know, weddings, etc.

Read also

Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral

Sa kabila ng kanyang naging sagot, sinabi ni Gerald na darating din iyon ngunit para sa kanya ay marami pang problema sa mundo kesa pag-usapan ang tungkol sa ganitong bagay tungkol sa kanila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mas marami pang problema sa mundo ngayon kesa ano... pero... you know darating tayo.. basta.. basta.

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Read also

Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel