Shaira, 'speechless' matapos siyang ayusan para sa isang photoshoot

Shaira, 'speechless' matapos siyang ayusan para sa isang photoshoot

- Speechless—ito ang paglalarawan ni Shaira Abdullah Alimudin nang ibahagi niya ang video ng pag-aayos sa kanya

- Ibinahagi niya rin ang ilang pictures na kuha sa kanyang photoshoot kung saan inayusan siya ng makeup artists at designer

- Marami naman sa kanyang fans ang natuwa para sa kanilang idolo na malayo na ang narating sa kabila ng mga kontrobersiya

- Si Shaira ay tinaguriang 'Queen of Bangsamoro Pop' matapos ang kanyang pamamayagpag sa streaming platforms dahil sa kanta niyang 'Selos'

Binahagi ni Shaira ang ilang pictures niya sa ginanap na photoshoot. Speechless—ito ang paglalarawan ni Shaira Abdullah Alimudin nang ibahagi niya ang video ng pag-aayos sa kanya.

Shaira, 'speechless' sa matapos syang ayusan para sa isang photoshoot
Shaira, 'speechless' sa matapos syang ayusan para sa isang photoshoot
Source: Facebook

Marami ang humanga sa mga pictures na kanyang binahagi kung saan makikita ang kanyang transformation matapos siyang ayusan ng makeup artist at designer.

Marami naman sa kanyang fans ang natuwa para sa kanilang idolo na malayo na ang narating sa kabila ng mga kontrobersiya.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Shaira, 'speechless' sa matapos syang ayusan para sa isang photoshoot
Shaira, 'speechless' sa matapos syang ayusan para sa isang photoshoot
Source: Facebook

Naging viral hit ang cover ni Shaira sa TikTok noong nakaraang taon, kung saan ginamit ng mga TikTok users ang kanta para sa nakakatawang mga edit, at pati na rin sa pagsasagawa ng dance challenge para dito. Ginamit ang kanta sa mahigit 500,000 na mga post sa naturang platform.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang AHS Productions, ang agency na humahawak sa tinaguriang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira. Ito ay sa gitna ng copyright infringement issue ng kanyang kantang 'Selos' na pumatok sa mga netizens. Ayon sa AHS. boluntary nilang tinanggal sa streaming platforms ang kanta na hango ang melody sa kantang “Trouble is a Friend” ng mang-aawit na si Lenka. Nakikipag-ugnayan na raw sila sa kampo ng mang-aawit upang maging official cover ang 'Selos' at maibalik na nila ito sa streaming platforms.

Read also

Ivana Alawi, ibinuking ang sarili na isa siyang gamer

Naglabas din ng pahayag si Shaira matapos boluntaryong tinanggal ng kanyang management ang kantang 'Selos' sa mga streaming platforms. Ito ay sa gitna ng issue tungkol sa copyright dahil hango ang melody ng kanyang kanta sa 'Trouble is a Friend' na orihinal na kanta ng Australian singer na si Lenka. Sa Facebook post ni Shaira, sinabi niyang okay na okay siya at naghayag ng positibong mensahe para sa mga tao lalo na sa mga totoong kaibigan at concern sa kanya. Kalakip ng kanyang mensaheng ito ay ang isang video clip ng kanyang performance kung saan kinanta niya ang viral song niyang 'Selos'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel