Shaira, naglabas ng mensahe sa gitna ng pinagdadaanan: "Okay na okay po ako"

Shaira, naglabas ng mensahe sa gitna ng pinagdadaanan: "Okay na okay po ako"

- Naglabas ng pahayag ang binansagang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira matapos boluntaryong tinanggal ng kanyang management ang kantang 'Selos' sa mga streaming platforms

- Ito ay sa gitna ng issue tungkol sa copyright dahil hango ang melody ng kanyang kanta sa 'Trouble is a Friend' na orihinal na kanta ng Australian singer na si Lenka

- Sa Facebook post ni Shaira, sinabi niyang okay na okay siya at naghayag ng positibong mensahe para sa mga tao lalo na sa mga totoong kaibigan at concern sa kanya

- Kalakip ng kanyang mensaheng ito ay ang isang video clip ng kanyang performance kung saan kinanta niya ang viral song niyang 'Selos'

Nag-post si Shaira ng mensahe sa gitna ng pagkakatanggal ng kanyang kantang 'Selos' sa mga streaming platforms. Sinabi niyang okay na okay siya.

Shaira, naglabas ng mensahe sa gitna ng pinagdadaanan: "Okay na okay po ako"
Shaira, naglabas ng mensahe sa gitna ng pinagdadaanan: "Okay na okay po ako"
Source: Facebook

Payo niya sa mga followers niya, mas maging mapagtimpi pa sa mga taong ayaw sa kanila at gusto silang masira.

Read also

AHS Productions, boluntaryong tinanggal sa streaming platforms ang kantang 'Selos'

Sa mga totoong kaibigan at concern po saakin, Alhamdulillah okay na okay po ako. Basta more Sab'r lang sa mga taong ayaw sayo at gustong kang masira❤️ Maging Masaya lang po tayo sa mga Buhay natin, Ramadhan Mubarak

Kalakip ng kanyang mensaheng ito ay ang isang video clip ng kanyang pagkanta.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral hit ang cover ni Shaira sa TikTok noong nakaraang taon, kung saan ginamit ng mga TikTok users ang kanta para sa nakakatawang mga edit, at pati na rin sa pagsasagawa ng dance challenge para dito. Ginamit ang kanta sa mahigit 500,000 na mga post sa naturang platform.

Bukod sa mga singers, lalong dumami ang mga tagasubaybay ng ilang personalidad nang gamitin ang TikTok. Kabilang si Marian Rivera sa mga personalidad na kadalasang milyon-milyon ang views tuwing magbabahagi sila ng dance covers.

Maging si Rosmar Tan ay kumasa sa nauusong sayaw sa TikTok matapos ang trending dance video ni Marian. Yung video ni Marian na umabot na sa mahigit 72 million views ay nauso sa mga netizen at marami na din ang gumaya sa kanyang sayaw. Maging yung kay Rosmar ay umabot na sa mahigit 6 million views kung saan makikitang nagsuot din siya ng sombrero at puting t-shirt. Biro pa niya sa kanyang Facebook post, nakakalito daw kung sino sa kanila si Marian.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel