AHS Productions, boluntaryong tinanggal sa streaming platforms ang kantang 'Selos'

AHS Productions, boluntaryong tinanggal sa streaming platforms ang kantang 'Selos'

- Naglabas ng pahayag ang AHS Productions, ang agency na humahawak sa tinaguriang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira

- Ito ay sa gitna ng copyright infringement issue ng kanyang kantang 'Selos' na pumatok sa mga netizens

- Ayon sa AHS. boluntary nilang tinanggal sa streaming platforms ang kanta na hango ang melody sa kantang “Trouble is a Friend” ng mang-aawit na si Lenka

- Nakikipag-ugnayan na raw sila sa kampo ng mang-aawit upang maging official cover ang 'Selos' at maibalik na nila ito sa streaming platforms

Boluntaryo daw na tinanggal ng AHS Productions ang awiting 'Selos' sa gitna ng copyright infringement issue. Nakikipag-ugnayan na raw sila sa kampo ng mang-aawit upang maging official cover ang 'Selos' at maibalik na nila ito sa streaming platforms.

AHS Productions, boluntaryong tinanggal sa streaming platforms ang kantang 'Selos'
AHS Productions, boluntaryong tinanggal sa streaming platforms ang kantang 'Selos'
Source: Facebook

Sa nilabas na statement ng AHS, hindi nila inasahang magiging hit ang kanta na anila ay hango sa melody ng kantang “Trouble is a Friend” ng mang-aawit na si Lenka. Kaya naman, inihingi nila ng dispensa ang kanilang pagtanggal ng kantang ito habang inaayos pa ang isyu.

Read also

Ogie D sa merging ng ABS-CBN at GMA para sa It’s Showtime: "Talagang pinaghandaan!"

Nakarating na rin ito sa Australian singer na si Lenka at ayon sa kanya ay inaaksyunan na ng kanyang team ang tungkol dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naging viral hit ang cover ni Shaira sa TikTok noong nakaraang taon, kung saan ginamit ng mga TikTok users ang kanta para sa nakakatawang mga edit, at pati na rin sa pagsasagawa ng dance challenge para dito. Ginamit ang kanta sa mahigit 500,000 na mga post sa naturang platform.

Bukod sa mga singers, lalong dumami ang mga tagasubaybay ng ilang personalidad nang gamitin ang TikTok. Kabilang si Marian Rivera sa mga personalidad na kadalasang milyon-milyon ang views tuwing magbabahagi sila ng dance covers.

Maging si Rosmar Tan ay kumasa sa nauusong sayaw sa TikTok matapos ang trending dance video ni Marian. Yung video ni Marian na umabot na sa mahigit 72 million views ay nauso sa mga netizen at marami na din ang gumaya sa kanyang sayaw. Maging yung kay Rosmar ay umabot na sa mahigit 6 million views kung saan makikitang nagsuot din siya ng sombrero at puting t-shirt. Biro pa niya sa kanyang Facebook post, nakakalito daw kung sino sa kanila si Marian.

Read also

Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel