Ogie D sa merging ng ABS-CBN at GMA para sa It’s Showtime: "Talagang pinaghandaan!"

Ogie D sa merging ng ABS-CBN at GMA para sa It’s Showtime: "Talagang pinaghandaan!"

- Napa-post si Ogie Diaz tungkol sa magaganap na merging ng ABS-CBN at GMA para sa noontime show na 'It's Showtime'

- Ito ang sinasabing papaplit sa iniwang time slot ng 'Tahanang Pinakamasaya sa GMA

- Ngayong Marso 20 magaganap umano ang contract signing ng noontime show

- Pinakaabangan ito ng marami gayung matunog na ang 'It's Showtime' mapapanood na programa tuwing pananghalian sa GMA

Ilang oras bago ang sinasabing contract signing ng merging ng ABS-CBN at GMA para sa It’s Showtime, hindi napigilang mag-post ni Ogie Diaz na tila nagpaparamdam umano ng excitement.

Ogie D sa merging ng ABS-CBN at GMA para sa It’s Showtime: "Talagang pinaghandaan!"
It's Showtime hosts (It's Showtime Facebook)
Source: Facebook

Aniya, Bongga! at talagang pinaghandaan ang naturang pagsasanib pwersa muli ng dalawang malalaking istasyon para sa nasabing noontime show.

"Bongga! Sa GMA ang contract signing na merging ng abs-cbn at GMA para sa noontime show na It’s Showtime. Pero ang nakakalokah, nakasakay sa float ang buong hosts ng It’s Showtime patungong GMA 7!"

Read also

AHS Productions, boluntaryong tinanggal sa streaming platforms ang kantang 'Selos'

Aniya, masuwerte umano ang mga makakasaksi sa mga magiging kaganapan sa contract signing na ilang araw nang matunog sa social media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"O di ba? Talagang pinaghandaan! Ready na ba ang Madlang People at ang mga Kapu-milya?" ani Ogie na ang tinutukoy ay ang mga Kapuso at Kapamilya.

Matatandaang isa si Ogie sa unang nakasagap ng posibilidad pa lamang noon na ang It's Showtime nga ang ookupa sa naiwang oras ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Read also

It's Showtime, nakapagtala ng 159 na ads sa April 6 episode nito

Kamakailan, naibahagi rin ng Pilipino Star Ngayon na matunog na napapabalita na ang It's Showtime siyang papalit sa Tahanang Pinakamasaya ng GMA.

Maging ang Pahayagang Abante ay naibahagi ang tila naging paramdam ni Vice na sinasabing may kaugnayan sa pag-okupa ng kanilang programa sa noontime slot ng GMA 7. Dahil dito, marami ang nag-aabang sa paglabas ng opisyal na pahayag ng GMA o maging ng It's Showtime mismo ukol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel