It's Showtime, lilipat na sa GMA ayon sa isang ulat ng Pilipino Star Ngayon

It's Showtime, lilipat na sa GMA ayon sa isang ulat ng Pilipino Star Ngayon

- May posibilidad daw na lilipat na ang It's Showtime sa GMA-7 matapos ang pamamaalam ng Tahanang Pinakamasaya

- Ayon sa ulat ni L. Guerrero ng Pilipino Star Ngayon, mukhang pinaplantsa na ang kontrata at magkakapirmahan na

- Matatandaang pagkatapos nga ang huling pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya ay mga pelikula ang pinalalabas sa noontime slot ng GMA 7

- Ilang beses na ring lumabas ang espikalsyong ito lalo at nabibigyan ng kahulugan ang mga hirit ni Vice Ganda sa It's Showtime

Ang It's Showtime daw ang lilipat sa noontime slot ng GMA 7. Ayon sa ulat ni L. Guerrero ng Pilipino Star Ngayon, mukhang pinaplantsa na ang kontrata at magkakapirmahan na.

It's Showtime, lilipat na sa GMA ayon sa isang ulat ng Pilipino Star Ngayon
It's Showtime, lilipat na sa GMA ayon sa isang ulat ng Pilipino Star Ngayon
Source: Youtube

Ilang beses na ring tila may pahiwatig si Vice Ganda kaugnay sa magandang balita. Ngunit wala pa silang pormal na pahayag patungkol dito.

Matatandaang pagkatapos nga ang huling pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya ay mga pelikula ang pinalalabas sa noontime slot ng GMA 7.

Read also

Sophia Reola, agaw pansin ang ganda sa Star Magic Prom

Sa isang ulat ng Abante, nabanggit ni Vice Ganda ang tungkol sa aniya'y “best days are coming”.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naiulat din ng Remate ang tungkol sa pagmanifest na ito ni Vice Ganda habang nasa isang episode ng kanilang show.

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Matatandaang ibinida ng "It's Showtime" hosts ang kanilang pagsasama-samang muli sa pagbabakasyon sa ibang bansa. Ibinahagi ni Teddy Corpus ang picture nilang magkakasama at ginamit pa niya ang hashtag na #TheSuspenders. Sa picture na kanyang binahagi ay wala sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Kim Chiu at Amy Perez. Habang hindi pa bumabalik ang "It's Showtime" ay may kanya-kanyang mga ganap ang hosts at binabahagi nila ito sa social media upang magbigay pa rin ng update sa kanilang mga fans.

Read also

Maymay Entrata, biniro ni Vhong Navarro na sumalang sa Expecially for You

Ibinida ni Vice Ganda ang masayang video nila kasama ang kanyang 'It's Showtime' family habang nasa Hong Kong. Makikita ang kanilang pagsasayaw sa tunog mula sa video na binahagi ni Melai. May hawak din silang ice cream at kumakain silang magkakasama habang sumasayaw - Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy ang It's Showtime hosts.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel