Vice Ganda, ibinida ang kanilang masayang bonding kasama ang It's Showtime family

Vice Ganda, ibinida ang kanilang masayang bonding kasama ang It's Showtime family

- Ibinida ni Vice Ganda ang masayang video nila kasama ang kanyang 'It's Showtime' family habang nasa Hong Kong

- Makikita ang kanilang pagsasayaw sa tunog mula sa video na binahagi ni Melai

- May hawak din silang ice cream at kumakain silang magkakasama habang sumasayaw

- Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy ang It's Showtime hosts

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video na binahagi ni Vice Ganda kung saan kasama niya ang kanyang It's Showtime family habang nasa Hong Kong. Ibinida niya ang video nila habang kumakain ng ice cream.

Vice Ganda, ibinida ang kanilang masayang bonding kasama ang It's Showtime family
Vice Ganda, ibinida ang kanilang masayang bonding kasama ang It's Showtime family
Source: Instagram

Kalakip ng kanilang video ay ang tunog na kuha sa video ni Melai Cantiveros kung saan pinapakita ni Melai ang anak na si Stela na kumakain ng ice cream at sumasayaw pa dahil na-perfect nito ang kanyang exam.

Read also

Vice Ganda, binahagi ang kanilang reaction video sa MU top 5 announcement

Marami naman sa kanilang fans ang natuwa na makitang masaya at nag-eenjoy ang It's Showtime hosts.

Advance Happy Anniversary @itsshowtimena Enjoy, come back stronger and vv excited na sa magpasikat 2023

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang galing,memorable na 12days suspension sa showtime hosts nakapag travel din sa wakas
Much needed rest. Deserve! love you It's Showtime Family!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Miss Grace, ibinida ang engagement ring: "Should I say yes?"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel