Sophia Reola, agaw pansin ang ganda sa Star Magic Prom

Sophia Reola, agaw pansin ang ganda sa Star Magic Prom

- Kabilang si Sophia Reola sa dumalo sa Star Magical Prom 2024 ng Star Magic na dinaluhan ng mga Star Magic artists

- Marami ang nakapansin sa ganda ng dating child star lalo at matagal itong nagpahinga sa showbiz

- Matatandaang noong nagka-pandemya ay pumunta ang pamilya ni Sophia sa ibang bansa kung saan siya nag-aral

- Isa sa pinakatumatak na pagganap ni Sophia ay bilang si Mikmik sa seryeng Nang Ngumiti ang Langit

Agaw-pansin si Sophia Reola sa kanyang unang pagdalo sa Star Magical Prom. Marami ang nakapansin sa kanyang glow up mula sa isang cute na child star sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit na ngayong ay dalaga na.

Sophia Reola, agaw pansin ang ganda sa Star Magic Prom
Sophia Reola, agaw pansin ang ganda sa Star Magic Prom
Source: Instagram

Pula ang kanyang suot na gown. Matagal ding hindi napanood sa telebisyon si Sophia matapos magpunta ng kanilang pamilya sa ibang bansa. Doon ito nag-aral.

Read also

Maymay Entrata, biniro ni Vhong Navarro na sumalang sa Expecially for You

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dalaga na c bunso @sophiareola_ napaka gandang dilag
Dalaga na c mik mik! At the #StarMagicalProm2024, Sophia Reola is still as charming now as she was in Kapamilya series “Nang Ngumiti ang Langit” which aired in 2019.
#NangNgumitiAngLangit’s Mikmik, Sophia Reola, is glowing tonight!

Matatandaang naging bahagi si Sophia ng ABS-CBN teleserye na pinamagatang Nang Ngumiti ang Langit kung saan nakasama niya sina Kaye Abad at RK Bagatsing. Siya ang gumanap bilang si Mikmik na anak nila Kaye at RK sa nasabing serye.

Matatandaang ibinahagi ni Sophia Reola na kabado siya at excited sa kanyang first day of school. Ito ay noong nasa ibang bansa si Sophia na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Mikmik sa nasabing Teleserye sa ABS-CBN. Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagka-miss sa batang aktres na ayon sa iba ay mukha nang dalaga.

Read also

Kyle Echarri, binati si Blythe sa kaarawan nito: "Thanks for making me smile"

Samantala, Sina Sophia Reola at Xia Vigor ay nagbahagi ng kanilang madamdaming mensahe sa pagpanaw ng kapwa nila dating child star na si JM Canlas. Binahagi pa ni Xia ang kanilang naging pag-uusap ni JM kung saan makikita ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan. Ibinahagi niya rin ang picture nilang magkasama noong sila ay mas bata pa. Para naman kay Sophia, hindi niya inakalang gagamitin niya ang picture niya kasama si JM bilang pamamaalam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel