Maymay Entrata, biniro ni Vhong Navarro na sumalang sa Expecially for You

Maymay Entrata, biniro ni Vhong Navarro na sumalang sa Expecially for You

- Si Maymay Entrata ang guest sa It's Showtime ngayong araw na kumanta ng 'Pwede Ba'

- Matapos ang kanyang performance ay tinanong siya ni Vhong Navarro kung pwede daw ba siyang imbitahan sa Expecially For You

- Tila naman iwas magsalita si Maymay tungkol dito kaya nangiti lang ito sa tanong ni Vhong

- Aniya, hindi pa daw niya masabi sa ngayon at baka daw sa pagbabalik niya

Inimbitahan ni Vhong Navarro si Maymay Entrata na sumalang sa Expecially segment ng It's Showtime. Matatandaang lumabas ang espikulasyong hiwalay na sina Maymay at ang napapabalitang non-showbiz boyfriend nito.

Maymay Entrata, biniro ni Vhong Navarro na sumalang sa Expecially for You
Maymay Entrata, biniro ni Vhong Navarro na sumalang sa Expecially for You
Source: Youtube

Gayunpaman, wala pang nilalabas na kumpirmasyon o pag-deny mula sa kampo ng aktres. Lumabas lamang ang espikulasyon nang mapansin ng netizens na hindi na sila naka-follow sa isa't-isa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

John Prats, nag-post ng picture kasama sina Sam Milby at Catriona Gray

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Lingid sa kaalaman ng marami malapit na magkaibigan pala sina Maymay at Mimiyuuuh. Una umano silang nagkita ni Mimiyuuuh sa Star Magic Ball at simula noon ay nakagaanan nila ng loob ang isa't-isa. Kagaya ni Maymay, madalas umano magsabi ng kanyang problema si Mimiyuuuh sa kaibigan. Kinaaliwan din ang version ng "skrrt" ni Maymay dahil sa kakaibang talento niya sa kanyang braso.

Sa mukbang sa nina Mimiyuuuh at Maymay ay hindi inatrasan ni Maymay ang ilan sa mga nakakaintrigang mga tanong para sa kanya. Kabilang sa natanong ay kung mayroon daw ba siyang hindi magandang karanasan sa isang artista. Hindi naman daw niya maituturing na bad iyon ngunit aniya ay tiningnan siya ng di na niya pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya. Nangyari raw ito noong bago pa lamang sila nakalabas sa Pinoy Big Brother at pumunta siya sa ASAP para makita nang personal ang mga artista.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel