John Prats, nag-post ng picture kasama sina Sam Milby at Catriona Gray

John Prats, nag-post ng picture kasama sina Sam Milby at Catriona Gray

- Muling nagbahagi si John Prats ng picture kung saan kasama nila ng kanyang asawanfg si Isabel Oli sina Sam Milby at Catriona Gray

- Ito ay sa gitna ng haka-hakang hiwalay na diumano ang magkasintahan at nanatiling magkaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay

- Wala pa ring nilalabas na pahayag bilang pagtanggi o pagkumpirma sina Sam at Ctriona

- Kaya naman, sa comment section ng post na ito ni John ay marami ang nagtatanong kung totoo daw bang hiwalay na ang dalawa

Nag-post si John Prats ng picture kung saan kasama nila ng misis niyang si Isabel Oli sina Sam Milby at Catriona Gray. Ito ay sa gitna ng mga intrigang naghiwalay na umano sina Sam at Catriona.

John Prats, nag-post ng picture kasama sina Sam Milby at Catriona Gray
John Prats, nag-post ng picture kasama sina Sam Milby at Catriona Gray
Source: Instagram

Sa binahaging picture ni John ay may bitbit silang apat na Pickleball paddle. Hindi naman maiwasang magtanong lalo na ang mga fans nina Sam at Catriona kung totoo bang hiwalay na sila lalo at wala pa silang nilalabas na pahayag upang linawin ang tungkol dito.

Read also

Gabby Eigenmann, hindi na nabati ni Jaclyn Jose sa kanyang kaarawan noong March 2

Matatandaang naisapubliko nila ang tungkol sa kanilang engagement at base sa naging panayam sa kanila ay naumpisahan na rin nila ang paghahanda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe.

Inalmahan ni Catriona Gray ang isang Faceboook page na nag-post tungkol sa kanya . Marami ang nawindang sa nilagay na pangalan sa naturang post dahil nakalagay ang apelyidong Milby sa pangalan niya. Nilinaw ni Catriona na Gray ang kanyang apelyido at hindi pa siya ikinakasal kay Sam. Pinabulaanan niya rin ang balitang kasali umano siya sa pelikulang tungkol sa buhay ni Jose Rizal.

Samantala, ibinida ni Catriona ang kanyang closet sa ikalawang bahagi ng kanyang Casa de Gray home tour. Pinaliwanag ni Catriona na kaya nakalabas halos lahat ng kanyang mga gamit dahil sa posibilidad na makalimutan niya at hindi na magamit ang mga ito. Pinakita niya rin na marami sa kanyang mga gamit ay gawang lokal at aniya ay nahilig siya sa mga ito. Para naman sa mga viewers niya ay nakakahanga si Catriona dahil kahit hindi na siya ang reigning Miss Universe ay tuloy ito sa pagtangkilik ng produktong Pilipino.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel