Catriona Gray, ibinida ang mga local brands sa kanyang closet

Catriona Gray, ibinida ang mga local brands sa kanyang closet

- Ibinida ni Catriona Gray ang kanyang closet sa ikalawang bahagi ng kanyang Casa de Gray home tour

- Pinaliwanag ni Catriona na kaya nakalabas halos lahat ng kanyang mga gamit dahil sa posibilidad na makalimutan niya at hindi na magamit ang mga ito

- Pinakita niya rin na marami sa kanyang mga gamit ay gawang lokal at aniya ay nahilig siya sa mga ito

- Para naman sa mga viewers niya ay nakakahanga si Catriona dahil kahit hindi na siya ang reigning Miss Universe ay tuloy ito sa pagtangkilik ng produktong Pilipino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinatunayan ni Catriona Gray ang kanyang pagmamahal sa gawang Pinoy matapos niyang maibahagi ang laman ng kanyang closet sa kanyang house tour. Kinabiliban siya dahil kahit may kakayahang bumili ng mga branded at mamahaling mga gamit ay todo-suporta siya sa mga local brands.

Read also

Pokwang, nagbabalak na ibenta ang kanilang beach house sa Bataan

Catriona Gray, ibinida ang mga local brands sa kanyang closet
Catriona Gray, ibinida ang mga local brands sa kanyang closet (@catriona_gray)
Source: Instagram

Kabilang sa kinahiligan niya ay ang mga sapatos na dito lang din ginawa. Nakahiligan niya umano ito kaya marami sa kanyang footwear ay gawang lokal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Kamakailan ay binahagi ni Catriona ang mga nakakaaliw at nakakatawang komento ng netizens sa kanyang picture na nag-viral kung saan kumakain siya ng empanada. Ilan sa mga ito ay base sa mga naging sagot ni Catriona sa kanyang pagsali sa pageant. Kinaaliwan ito ng beauty queen kaya naman naibahagi niya ang mga ito sa kanyang IG Stories. Matatandaang kuha ang naturang picture nang bumisita si Catriona sa Batac kung saan tinikman niya ang sikat na empanada ng Ilocos.

Muling nakasama ni Catriona ang R&B star na si Ne-Yo sa ginanap na concert nito sa Araneta Coliseum. Hindi pa agad siya nakilala ni Ne-Yo at tinanong pa nito ang beauty queen ng pangalan niya ngunit kinalaunan ay natatandaan umano niya ito. Nagyakapan pa sila ni Ne-Yo at kinalaunan ay rumampa pa ito gamit ang kanyang sikat na sikat na Lava walk. Matatandaang si Ne-Yo ang nagperform sa final three ng Miss Universe 2018 kung saan nanalo si Catriona.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel