Catriona Gray, muling nakasama sa entablado ang R&B star na si Ne-Yo

Catriona Gray, muling nakasama sa entablado ang R&B star na si Ne-Yo

- Muling nakasama ni Catriona Gray ang R&B star na si Ne-Yo sa ginanap na concert nito sa Araneta Coliseum ngayong gabi

- Hindi pa agad siya nakilala ni Ne-Yo at tinanong pa nito ang beauty queen ng pangalan niya ngunit kinalaunan ay natatandaan umano niya ito

- Nagyakapan pa sila ni Ne-Yo at kinalaunan ay rumampa pa ito gamit ang kanyang sikat na sikat na Lava walk

- Matatandaang si Ne-Yo ang nagperform sa final three ng Miss Universe 2018 kung saan nanalo si Catriona

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagkasama sina Catriona Gray at R&B star na si Ne-Yo sa ginanap na concert nito sa Araneta Coliseum ngayong gabi. Ginawa uli ni Catriona ang kanyang sikat na sikat na Lava Walk.

Catriona Gray, nadismaya dahil hindi pinatapos sa kanya ang inihandang speech
Catriona Gray, nadismaya dahil hindi pinatapos sa kanya ang inihandang speech (@catriona_gray)
Source: Instagram

Hindi pa agad siya nakilala ni Ne-Yo at tinanong pa nito ang beauty queen ng pangalan niya ngunit kinalaunan ay natatandaan umano niya ito. Matatandaang si Ne-Yo ang nagperform sa final three ng Miss Universe 2018 kung saan nanalo si Catriona.

Nauna nang naibahagi ni Catriona sa kanyang Instagram post ang picture niya bago pa magsimula ang concert. Hindi nito maitago ang kanyang pagiging fan sa R&B singer.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

@neyo nahanap mo na ba si Miss Independent?! Nandito na siyaaaa! So excited to fan girl yeheeee

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Kamakailan ay binahagi ni Catriona ang mga nakakaaliw at nakakatawang komento ng netizens sa kanyang picture na nagviral kung saan kumakain siya ng empanada. Ilan sa mga ito ay base sa mga naging sagot ni Catriona sa kanyang pagsali sa pageant. Kinaaliwan ito ng beauty queen kaya naman naibahagi niya ang mga ito sa kanyang IG Stories. Matatandaang kuha ang naturang picture nang bumisita si Catriona sa Batac kung saan tinikman niya ang sikat na empanada ng Ilocos.

Sa isang post ni Catriona kamakailan, marami ang nakapansin sa kagandahan nito. Kamakailan ay binahagi ni Angelo Eugenio ang maikling video ng transformation ng beauty queen. Makikita sa naturang video ang dalawang magkaibang ayos ni Catriona na parehas umani ng papuri mula sa netizens dahil bumagay sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel