Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon

Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon

- Naitanong kay Miles Ocampo kung nagkabalikan na raw ba sila ni Elijah Canlas

- Sa panayam sa kanya ng News5Everywhere, inamin niyang sinusubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon

- Matatandaang inamin ni Elijah sa isang panayam ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Sa isang episode ng EAT ay hindi rin nakaiwas si Miles sa pang-aalaska ng kanyang mga kasamahan kaugnay sa usaping pakikipagbalikan

Inamin ni Miles Ocampo na sinusubukan nila ni Elijah Canlas na ayusin ang kanilang relasyon. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ay naitanong sa kanya kung sila na ba uli ni Elijah.

Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas na ayusin ang kanilang relasyon
Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas na ayusin ang kanilang relasyon
Source: Instagram

Pinabulaanan niyang si Elijah ang nakitang reflection sa video na binahagi niyang video na kuha sa bakasyon nila ng pamilya niya sa Hong Kong kamakailan.

Hindi niya sinabing sila na uli pero aniya ay inaayos pa nila.

Let's see, we're working on it.

Read also

Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito ang kanyang sagot nang tanungin kung nagkabalikan na sila,

Si Camille Tan Hojilla o mas kilala bilang si Miles Ocampo ay isang Filipina actress, model, writer at TV host. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN youth-oriented gag show na Goin' Bulilit. Bago siya naging CAM talent isa siyang Star Magic talent. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Matatandaang hindi napigilan ni Miles na maluha dahil sa kabi-kabilang papuring natatanggap niya sa pagganap sa 'Batang Quiapo'. Matatandaang sa Pilot episode ng nasabing serye, isa sa binigyang puri ang husay sa pag-arte ni Miles. Aniya, weakness niya raw umano ang mga nagsasabing na-appreciate siya ng mga tao lalo na at binibigay niya talaga ang lahat pagdating sa pag-arte. Talagang nagtrending ang kanyang pagganap na serye na hanggang ngayon, nakababasa pa rin umano siya ng mga papuri sa kanya sa Batang Quiapo.

Read also

Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"

Matatandaang naibahagi ni Miles sa kanyang guesting sa 'Magandang buhay' ang naging health emergency niya kung saan kinailangan niyang magpaopera. Ani Miles, mabuti at naagapan niya at nakapagpaopera kaagad dahil maari umanong lumala ang kanyang kondisyon na may kinalaman sa kanyang thyroid. Naging palaisipan umano sa kanya noong palagi siyang hinihingal at nadadagdagan ang timbang niya kahit aniya ay ginagawa naman niya ang dapat niyang gawin. Kaya naman, napagpasyahan niyang magpasuri at doon nasabi sa kanya na kailangan niya nang magpaopera kaagad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel