Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"

Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"

- Maging si Kiray Celis ay natawa sa komento ni Senyora sa post ni Marian Rivera kung saan ibinahagi niya ang picture nila ni Kiray

- Ito ay kuha sa set ng kanilang bagong serye na pinamagatang 'My Guardian Alien'

- Hirit ni Senyora, hindi pa man pinapalabas ang naturang serye ay kilala na daw niya agad kung sino yung alien

- Umani ng mga reaksiyon ang naturang komento ni Senyora na sa kasalukuyan ay mayroong nang mahigit 6k na 'haha' reacts

Kinaaliwan ang hirit ni Senyora sa binahaging picture ni Marian Rivera kung saan makikitang kasama niya si Kiray Celis. Ito ay mula sa kanilang bagong serye na pinamagatang 'My Guardian Alien.'

Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"
Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"
Source: Facebook

Ani Senyora, hindi pa man pinapalabas ay alam niya na agad kung sino yung alien.

Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien

Maging si Kiray ay binahagi ang post tungkol sa komentong ito ni Senyora.

Read also

Claudine Barretto, sinagot ang komentong gumanda siya matapos magpaayos ng mukha

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang binahagi ni Kiray sa kanyang Facebook page ang kanyang sintimeyento kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz. Aniya, sana ay intindihin din ng publiko na minsan may mga dinadalang suliranin ang mga artista na hindi nila alam. Kasunod ito ng kanyang pahayag kaugnay sa umano'y pag-request kay Jovit Baldivino na kumanta ito sa kabila ng pagbabawal ng doktor. Ito ang huling performance ni Jovit bago siya nanghina at isinugod sa ospital kung saan na-comatose siya ng ilang araw hanggang tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan.

Read also

Luis Manzano kay Alex Gonzaga: "Bakit ka po nakatalikod sa pic?"

Samatala, kamakailan ay ibinida ni Kiray ang papuri sa kanya ni Marian Rivera sa kanyang picture sa social media. Sa kanyang post ay naka-tag si Senyora na pabiro niya pang tinawag na Pulgoso at aniya ay huwag na itong lumaban. Sagot naman ni Senyora, talaga raw palang mahilig sa aso si Marian at binahagi pa ang picture ni Marian noong gumanap siyang bilang si Marimar at kasama ang aso nito. Hindi na ito bago sa kanilang dalawa dahil kadalasan ay kinaaliwan ng netizens ang kanilang birong bangayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel