Kiray Celis, naglabas ng saloobin kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz

Kiray Celis, naglabas ng saloobin kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz

- Binahagi ni Kiray Celis sa kanyang Facebook page ang kanyang sintimeyento kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz

- Aniya, sana ay intindihin din ng publiko na minsan may mga dinadalang suliranin ang mga artista na hindi nila alam

- Kasunod ito ng kanyang pahayag kaugnay sa umano'y pag-request kay Jovit Baldivino na kumanta ito sa kabila ng pagbabawal ng doktor

- Ito ang huling performance ni Jovit bago siya nanghina at isinugod sa ospital kung saan na-comatose siya ng ilang araw hanggang tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Kiray Celis ang pag-request kay Jovit Baldivino na kumanta at kahit pinagbawalan na ng doktor ay nagpaunlak si Jovit. Ani Kiray, sana ay maunawaan ng publiko na minsan may mga dinadalang suliranin ang mga artista na hindi nila alam.

Read also

Marcelito Pomoy, binalikan ang huling sandali bago pumanaw si Jovit Baldivino

Kiray Celis, naglabas ng saloobin kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz
Kiray Celis, naglabas ng saloobin kaugnay sa reyalidad sa mundo ng showbiz (@kiraycelis)
Source: Instagram

Bilang isang performer ay nabanggit ni Kiray ang reyalidad sa mundo ng showbiz.

"HIRAP rin po talagang maging performer o artista.. "Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago kana. "Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila. "Kahit antok ka dapat hyper ka sakanila. Kahit gutom ka dapat nakangiti kapa rin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay isang aktres at komedyanteng unang sumikat sa showbiz matapos niyang manalo sa patimpalak na Muntíng Miss U sa dating noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Read also

Barbie Hsu at ex-husband, nagbatuhan ng akusasyon laban sa isa't-isa

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all." Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Samantala, sa pagpanaw ng sikat na celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano, isa si Kiray sa nagpahayag ng kanyang kalungkutan. Inalala niya kung paano sila nag kakilala ng sikat na stylist na aniya ay pinahanap talaga siya. Ito ay matapos mabalitaan ni Fanny ang tungkol sa pambu-bully umano sa kanyang make-up at nalagay siya bilang isa sa worst dressed sa isang ball. Ani Kiray, iyon ang naging simula ng lahat kaya mami-miss niya ang kanyang Tito Fanny na tinuturing niyang kanyang fairy godmother.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel