Marcelito Pomoy, binalikan ang huling sandali bago pumanaw si Jovit Baldivino

Marcelito Pomoy, binalikan ang huling sandali bago pumanaw si Jovit Baldivino

- Binahagi ni Marcelito Pomoy ang huling sandali bago tuluyang namaalam ang kaibigan niyang si Jovit Baldivino

- Pinakita niya rin ang screenshot ng mensahe niya kung saan nag-video call pa umano siya

- Ayon kay Marcelito si Jovit ang unang taong sumuporta sa kanya sa laban niya sa 'Pilipinas Got Talent' kung saan siya nanalo

- Pinuntahan umano kaagad ni Marcelito ang kaibigan nong araw na itinakbo ito sa ICU

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa si Marcelito Pomoy sa labis na nagdalamhati sa pagpanaw ng mang-aawit na si Jovit Baldivino. Pinakita niya rin ang screenshot ng mensahe niya kung saan nag-video call pa siya.

Marcelito Pomoy, binalikan ang huling sandali bago pumanaw si Jovit Baldivino
Marcelito Pomoy, binalikan ang huling sandali bago pumanaw si Jovit Baldivino(@marclitopomoy8)
Source: Instagram

Ani Marcelito, agad siyang pumunta sa ICU nang isugod ang kaibigan. Nakipag-usap pa umano siya sa pamilya kung paano sila makakalikom ng pera para sa pantulong sa pangangailangan ni Jovit sa ospital.

Read also

Herlene Budol, nagpost ng throwback picture na kuha noong 2015 pageant na sinalihan nya

Dagdag pa ni Marcelito, si Jovit umano ang unang tao na sumuporta sa kanyang laban sa Pilipinas Got Talent..

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT.. pahinga ka na… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan

Si Marcelito "Mars" Castro Pomoy ay nakilala sa kanyang husay sa pagkanta gamit ang tenor at soprano voice. Siya ang tinanghal na grand winner ng Pilipinas Got Talent season 2. Dahil sa kanyang pagkapanalo sa PGT, natupad ang pangarap niyang mabuo ang kanyang pamilya.

Matatandaang sa binahaging pasilip ng America's Got Talent sa YouTube ay kinabiliban ang performance ni Marcelito. Napili ni Marcelito ang awiting "Con Te Partirò" na pinasikat ni Andrea Bocelli. Marami ang nag-aabang kung makakapsok sa finals ang pambato ng Pinas.

Read also

Barbie Hsu at ex-husband, nagbatuhan ng akusasyon laban sa isa't-isa

Matapos maiuwi ang karangalan bilang 3rd runner-up sa “America’s Got Talent: The Champions”, nagbahagi din ng biyaya si Marcelito. Sa isang homecoming celebration sa Calauag, Quezon, namahagi ng pera ang singer. Isang plaque of recognition ang inihandog ng mga local government official sa mang-aawit. Hindi man nasungkit ang pagiging kampyon, nauna nang naibahagi ni Marcelito na dumagsa ang imbitasyon sa kanya na magperform sa iba't-ibang panig ng mundo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel