Barbie Hsu at ex-husband, nagbatuhan ng akusasyon laban sa isa't-isa

Barbie Hsu at ex-husband, nagbatuhan ng akusasyon laban sa isa't-isa

- Inakusahan si Barbie Hsu ng kanyang dating asawa ng pagtataksil at paggamit ng pinagbabawal na gamot

- Sinabi din nito na siya pa rin daw ang nagbabayad ng bayarin sa kuryente kahit nag-asawa na ang Taiwanese star ng iba

- Sagot naman ni Barbie, mayroon siyang sakit sa puso kaya imposibleng gumamit siya ng bawal na gamot

- Binahagi niya rin ang umano'y patunay na may utang sa kanya ang dating asawa at hindi pa rin nito nababayaran ng buo ang pera niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan sina Barbie Hsu at ang dating asawa niya matapos nilang ilabas sa publiko ang tungkol sa kanilang isyu. Inakusahan si Barbie Hsu ng kanyang dating asawa ng pagtataksil at paggamit umano ng pinagbabawal na gamot.

Barbie Hsu at ex-husband, nagbatuhan ng akusasyon laban sa isa't-isa
Barbie Hsu at ex-husband, nagbatuhan ng akusasyon laban sa isa't-isa (@barbiehsu_das)
Source: Instagram

Sa ulat ng The Hive Asia nabanggit nito ang tungkol sa malaking bayarin sa kuryente na umano ay ayaw niyang bayaran.

Read also

Wilbert Tolentino, gumastos ng milyones para sa 50 katao na dinala niya sa Uganda

Sa isang Facebook post, nilinaw ni Barbie na may sakit siya sa puso kaya imposibleng gumamit siya ng pinagbabawal na gamot. Binahagi niya din ang isang handwritten note na umano'y pinirmahan ng dating asawa na magpapatunay umano sa perang hiniram nito kay Barbie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Matapos mapabalita ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon, tuluyan nang isinapubliko ni Barbie at ng kanyang mister ang kanilang paghihiwalay. Lumabas ang balita tungkol sa umano'y pinagdadaanang pagsubok ni Barbie at ng kanyang asawa Hunyo ng taong 2021. Nauna na ring sinabi ng Meteor Garden star nag-file umano siya ng divorce sa kanyang asawa na nakasama niya sa loob ng 11 taon. November 22, 2021 nang maglabas ng statement sina Barbie at Xiaofei sa pamamagitan ng kanilang mga abogado.

Read also

Herlene Budol, sa umano'y pangre-real talk sa sarili: "Ang sarap pala maging basher"

Matatandaang mahigit tatlong buwan matapos ang kanyang divorce sa unang asawa, isinapubliko ng Taiwanese star ang tungkol sa kanyang pagpapakasal. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mismong IG post ng South Korean rapper na si Koo Jun-yup. Ani Jun-yup, agad siyang naghanap ng paraan para makausap muli ang kanyang dating karelasyon na si Barbie. Aniya, pumayag naman ito sa alok niyang kasal dahil sa kasalukuyang panahon ay hindi dapat magsayang ng oras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel