Barbie Hsu at DJ Koo Jun-yup, isinapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal

Barbie Hsu at DJ Koo Jun-yup, isinapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal

- Mahigit tatlong buwan matapos ang kanyang divorce sa unang asawa, isinapubliko ng Taiwanese star na si Barbie Hsu ang tungkol sa kanyang pagpapakasal

- Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mismong IG post ng South Korean rapper na si Koo Jun-yup

- Ani Jun-yup, agad siyang naghanap ng paraan para makausap muli ang kanyang dating karelasyon na si Barbie

- Aniya, pumayag naman ito sa alok niyang kasal dahil sa kasalukuyang panahon ay hindi dapat magsayang ng panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang mahigit tatlong buwan ng kanyang divorce sa ex-husband niyang isang Chinese entrepreneur na si Wang Xiaofei, ibinahagi ni Barbie Hsu ang kanyang pagpapakasal sa South Korean rapper na si Koo Jun-yup. Agad umanong naghanap ng paraan si Jun-yup upang makausap si Barbie nang mapag-alaman nito ang tungkol sa divorce ng dating mag-asawa.

Read also

Basel Manadil at kanyang ama, nagkita na matapos ang 10 taon

Barbie Hsu at DJ Koo Jun Yup, isinapubliko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal
Barbie Hsu (@barbiehsu_das)
Source: Instagram

“I’m getting married. I intend to pull together the knot that I was not able to complete with my girlfriend from 20 years ago. I heard about her divorce and searched for the number from 20 years ago to contact her on a whim,” ani Jun-yup base sa translation ng allkpop.

Nakatakda umano silang magsama pagkatapos nilang ipa-register ang kanilang kasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“We are at an age where we cannot waste away our time idly, and so I suggested that we get married and she said yes, so we will be living together after registering our marriage. Please congratulate me on my late marriage"

Sa kanyang sariling Instagram account, ibinahagi din ni Barbie ang post ng Jun-yup kunbg saan ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan.

Read also

Kendra Kramer, may sarili nang walk-in closet sa kanyang kwarto

“Life is uncertain. I cherish the happiness I have in the present. I [am thankful for] everything that has led me step by step to where I am now.”

Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Wang Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing.

Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Samantala, matatandaang kinailangang isuko ni Barbie ang kanyang pagbubuntis matapos tumigil ang pagtibok ng puso ng kanyang dinadala noong 2018.

Hinangaan din ang kanyang pagkakapanatili ng kanyang kaaya-ayang pangangatawan at kagandahan kahit pa nasa mahigit 40 anyos na ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel