Wilbert Tolentino, gumastos ng milyones para sa 50 katao na dinala niya sa Uganda

Wilbert Tolentino, gumastos ng milyones para sa 50 katao na dinala niya sa Uganda

- Sa panayam kay Wilbert Tolentino, naibahagi niyang umabot sa milyones ang nagastos niya para sa buong Philippine team para sana sa pagsabak ni Herlene Budol sa Miss Planet International

- Dahil nakakuha na siya ng ticket ay wala na silang nagawa kundi ituloy ay ipasyal na lang ang kanyang mga kasamahan

- Nang tanungin kung ano ang dahilan kung bakit siya handang gumastos ng malaki, sinabi niyang pride para sa bansa ang kanyang habol

- Matatandaang hindi natuloy ang Miss Planet International matapos ang kakulangan sa paghahanda sa panig ng organizer ng pageant

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Gumastos si Wilbert Tolentino ng milyones sa Miss Planet International pageant ni Herlene Nicole Budol kamakailan sa Uganda. Umabot umano sa 50 katao ang bumuo sa kanilang team na pinasyal na lamang niya sa Uganda.

Wilbert Tolentino, gumastos ng milyones para sa 50 katao na dinala niya sa Uganda
Wilbert Tolentino, gumastos ng milyones para sa 50 katao na dinala niya sa Uganda (@sirwil75)
Source: Instagram

Nang tanungin kung ano ang dahilan kung bakit siya handang gumastos ng malaki, sinabi niyang pride para sa bansa ang kanyang habol. Balak umano niyang isali si Herlene sa Miss Grand ngunit ayon kay Herlene ay pinag-iisipan pa niya.

Read also

Herlene Budol, nagpost ng throwback picture na kuha noong 2015 pageant na sinalihan nya

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel