Herlene Budol, pinabulaanan ang isyung lumaki na daw ang ulo

Herlene Budol, pinabulaanan ang isyung lumaki na daw ang ulo

- Nagsalita na si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya

- Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up

- Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya

- Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Herlene Budol, hindi naman totoo na naging choosy na siya kagaya sa pinupukol na isyu sa kanya na lumaki na umano ang ulo nito. Sa panayam ng Push kay Herlene, sinabi nito na sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya.

Read also

Mariano G inalmahan ang netizen na nagsabing "pera niya ang gwapo"

Herlene Budol, pinabulaanan ang isyung lumaki na daw ang ulo
Herlene Budol, pinabulaanan ang isyung lumaki na daw ang ulo (@herlene_budol)
Source: Instagram
“Hindi naman nabago yung ugali ko. Kumbaga, ang dami daw taong nakakapansin na nagbago daw ako, na choosy na daw ako masyado, pero hindi po. Siyempre may mga taong nag-aalaga na rin sa akin, hindi na sa akin lang nanggagaling yung mga desisyon,”

Aniya, dati ay malaya siyang umoo sa mga kumukuha sa kanya at sa kasalukuyan umno ay may gumagabay na sa kanya sa mas tama niyang gawin sa kanyang buhay.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel