Mariano G inalmahan ang netizen na nagsabing "pera niya ang gwapo"

Mariano G inalmahan ang netizen na nagsabing "pera niya ang gwapo"

- Nag-react sina Mariano G. at ang kasintahan niyang si Cindy sa mga negatibong komento sa kanila matapos lumabas ang tungkol sa kwento nila sa TV kamakailan

- Inisa-isa nila ang mga anila'y panghuhusga sa kanila ng mga tao kahit hindi naman sila personal na kilala ng mga ito

- Kabilang sa sinagot ni Mariano ay ang komentong, pera lang umano niya ang pogi at malaki ang pakinabang

- Aniya, wala naman siyang madaming pera pero meron siyang pagmamahal at respeto sa kapwa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nagpatinag sina Mariano G. at Cindy sa mga mapanghusgang komento sa kanilang relasyon. Kabilang sa sinagot ni Mariano ay ang komentong, pera lang umano niya ang pogi at malaki ang pakinabang.

Mariano G inalmahan ang netizen na nagsabing "pera niya ang gwapo"
Mariano G inalmahan ang netizen na nagsabing "pera niya ang gwapo" (Photo credit: Mariano g tv)
Source: Facebook

Matapos ang paglabas ng video nila kamakailan sa isang news program, may mga taong nagkomento kaugnay sa kanilang relasyon.

Read also

Mariano G, nagpropose na kay Cindy; pinakita ang kanilang engagement video

Ani mariano, wala naman siyang madaming pera pero meron siyang pagmamahal at respeto sa kapwa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mariano Lingay ay nagmula sa Mabalacat, Pampanga. Pangatlo siya sa anim na magkakapatid. Hilig umano niya ang pagkanta. Kaya naman naglakas loob siyang sumali sa isang Street Karaoke Challenge. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan sa mas marami pang oportunidad. Nakipag-ugnayan sa kanya ang isang talent agency at inalok siyang maging on-cam star sa vlog. Dito siya naitambal kay Angel na mula naman sa Porac Pampanga.

Matatandaang matapos ilabas ng SY Talent Entertainment ang video na umano'y magpapakita ng tunay na ugali ng dating talent nila na si Mariano, nilinaw ni Mariano ang tungkol sa video. Ani Mariano, hindi totoong sinaktan niya ang ipinapareha sa kanyang si Cindy dahil gusto lamang niya umanong umalis na sa nasabing talent agency. Gayunpaman, pinipigilan daw siya ni Cindy kaya ginawa niya ang kanyang makakaya upang makatakas. Sinabi niya rin na ang lahat ng kanilang ipinapakita sa YouTube channel ng SY Entertainment ay pawang scripted.

Kinalaunan ay patuloy ang paghahatid ng good vibes ang vlogger couple na sina Mariano G at Cindy. Ito ay sa kabila ng ilang mga pangungutya sa kanilang relasyon. Kamakailan, kumuha pa umano ng sariling matitirahan ang dalawa at pinakitang matatag ang kanilang relasyon. Sa kanilang vlog, naibahagi nila ang kaganapan sa paglipat.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel