Mariano G, nagpropose na kay Cindy; pinakita ang kanilang engagement video

Mariano G, nagpropose na kay Cindy; pinakita ang kanilang engagement video

- Engaged na si Mariano G sa kanyang girlfriend na si Cinderella Salilican o mas kilala bilang si Cindy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa nilabas na video ng Good News ng GMA News, nilinaw nina Mariano at Cindy na para sa music video lamang ang lumabas na wedding video nila

- Sa gitna ng shoot ng programang Good News ay nag-propose si Mariano kay Cindy at agad namang umoo si Cindy

- Bumuhos ang pagbati ng kanilang supporters sa kanilang dalawa na halos dalawang taon na ring magkasama sa mga vlogs nila

Engaged na ang magkasintahan at content creator na sina Mariano G at Cinderella Salilican o mas kilala bilang si Cindy. Sa gitna ng shoot ng programang Good News ay nag-propose si Mariano kay Cindy at agad namang umoo si Cindy.

Read also

Ion Perez, titigil na lang sa pagmo-motocross para sa katahimikan ng loob ni Vice Ganda

Mariano Lingay, nagpropose na kay Cindy; pinakita ang engagement video nila
Mariano Lingay, nagpropose na kay Cindy; pinakita ang engagement video nila (Photo credit: Mariano g tv)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ani Cindy, nagapapasalamat siya na si Mariano ang lalaking kaya siyang ipaglaban kahit husgahan man sila ng mga tao. Nangako din ito na lagi lang siyang makakasama ni Mariano.

Para naman kay Mariano, hinding-hindi niya umano iiwan si Cindy. Kahit anong mangyari ay hindi niya daw pababayaan si Cindy.

Si Mariano Lingay ay nagmula sa Mabalacat, Pampanga. Pangatlo siya sa anim na magkakapatid. Hilig umano niya ang pagkanta. Kaya naman naglakas loob siyang sumali sa isang Street Karaoke Challenge. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan sa mas marami pang oportunidad. Nakipag-ugnayan sa kanya ang isang talent agency at inalok siyang maging on-cam star sa vlog. Dito siya naitambal kay Angel na mula naman sa Porac Pampanga.

Matatandaang matapos ilabas ng SY Talent Entertainment ang video na umano'y magpapakita ng tunay na ugali ng dating talent nila na si Mariano, nilinaw ni Mariano ang tungkol sa video. Ani Mariano, hindi totoong sinaktan niya ang ipinapareha sa kanyang si Cindy dahil gusto lamang niya umanong umalis na sa nasabing talent agency. Gayunpaman, pinipigilan daw siya ni Cindy kaya ginawa niya ang kanyang makakaya upang makatakas. Sinabi niya rin na ang lahat ng kanilang ipinapakita sa YouTube channel ng SY Entertainment ay pawang scripted.

Read also

Ivana Alawi, excited na sa gagawing MMFF movie nila ni Vice Ganda

Kinalaunan ay patuloy ang paghahatid ng good vibes ang vlogger couple na sina Mariano G at Cindy. Ito ay sa kabila ng ilang mga pangungutya sa kanilang relasyon. Kamakailan, kumuha pa umano ng sariling matitirahan ang dalawa at pinakitang matatag ang kanilang relasyon. Sa kanilang vlog, naibahagi nila ang kaganapan sa paglipat sa kanilang bahay sa loob lamang ng nasa sampung buwan na pagiging magkasintahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel