Ivana Alawi, excited na sa gagawing MMFF movie nila ni Vice Ganda

Ivana Alawi, excited na sa gagawing MMFF movie nila ni Vice Ganda

- Excited na si Ivana Alawi sa pelikulang pagsasamahan nila ni Vice Ganda

- Lalo na raw at ang direktor ng MMFF movie na ito ay si Cathy Garcia-Molina

- Kwento pa ni Ivana, paborito rin ng kanyang Mama Alawi si Vice kaya naman lalo itong natuwa nang malamang makakasama niya ito sa pelikula

- Ang Metro Manila Film Festival ay ginaganap taon-taon sa panahon ng Kapaskuhan na nagsisilbing bonding ng pamilyang Pilipino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong excited na si Ivana Alawi sa Metro Manila Film Festival entry nila ni Vice Ganda na pelikulang 'Partners in Crime.'

Ivana Alawi, excited na sa gagawing MMFF movie nila ni Vice Ganda
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na magsisimula na ang kanilang shooting sa pelikulang una nilang pagsasamahan.

Story conference palang umano ay talaga namang umaapaw na ang kulitan nila gayundin ng kanilang direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Read also

Andrew Schimmer, naging emsoyonal sa mensahe ng mga anak para sa kanya

"Iba ang experience ng panonood ng pelikula sa big screen, sa sinehan mismo. Tapos marami kang kasama na sabay-sabay kayong tumatawa. Iba yung ligayang naidudulot sa mga sarili natin at ang saya nun," ani Vice.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yung mama ko, super happy siya... Pwede na bang mag-shooting kasi I know marami akong matutunan dito," ayon naman kay Ivana.

Ayon naman kay Direk Cathy, excited din siya sa pelikulang ito lalo na at ika-27 na pelikula niya ito at pawang comedy pa.

"I am 50 already ang I have done 26 films already. This is my 27th. Ano pa kaya ang pwede kong gawin? Saan pa kaya ako pupunta? So, ito 'yun," ayon sa batikang direktor.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa panayam sa kanila ni MJ Felipe ng ABS-CBN News:

Read also

Chad Kinis sa 'jowa reveal' ni MC Muah: "They are not dating"

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Bukod sa gagawing pelikula kasama si Vice Ganda, bahagi ngayon si Ivana ng teleseryeng 'A family Affair' kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel