Chad Kinis sa 'jowa reveal' ni MC Muah: "They are not dating"

Chad Kinis sa 'jowa reveal' ni MC Muah: "They are not dating"

- Agad na nilinaw ni Chad Kinis ang kumakalat na post patungkol sa umano'y partner ni MC Muah

- Marami pa naman ang natuwa sa 'jowa reveal' ni MC na pawang 'joke' o gimik lang

- Tinawag nila ang vlog na 'Pares-pares' dahil couple date night ang content ng video kaya naman may kanya-kanya silang mga dalang partner

- Si MC Muah ay kapwa komedyante ni Chad Kinis na parehong miyembro ng Beks Battalion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ng komedyanteng si Chad Kinis ang totoong estado ng relasyon nina MC Muah at Misters of Filipinas 2021 and Mr. International Philippines 2022 Jherald Castañeda.

Chad Kinis sa 'jowa reveal' ni MC Muah: "They are not dating
Chad Kinis (Photo from @chadkinis)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami kasi ang nag-akalang totoo ang 'jowa reveal' na ito ni MC sa YouTube channel ni Divine Tetay.

May title kasi itong 'Pares-pares' date night kung saan kasama nina Divine Tetay, Donita Nose at Chef Jeremy ang kani-kanila umanong mga partner.

Read also

Teaser ng interview ni Toni Gonzaga kay PBBM, agad na nag-viral

Sa video, dumating din si MC Muah at ipinakilala nga si Jherald na ka-date niya sa gabing iyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naman marami ang natuwa sa pag-aakalang magkarelasyon nga ang dalawa.

Mapapansin naman sa video na hindi pinakikita ang mukha ng ka-date ni Donita na sinabi lamang niyang 23-anyos lamang.

Chad Kinis sa 'jowa reveal' ni MC Muah: "They are not dating
Photo: Screenshot from Pageant Mag Philippines
Source: Facebook

Samantala, sa isang post ng Pageant Mag Philippines, nasabi ni Chad na hindi talaga 'dating' ang status nina MC Muah.

"They are not dating. It was meant to be a joke to mess around with donita ang tetay dahil couple night nila and single si Mc and Jherald was kind enough to ride on lang. hahaha," paglilinaw ni Chad.

Nrito ang nasabing video na inakala ng marami na 'jowa reveal' na rin talaga ni MC:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Kasalukuyan na silang mayroong 1.97 million subscribers.

Read also

Jake Ejercito, ibinidang pinagluto siya ni Ellie Ejercito sa unang pagkakataon

Kilala rin si Chad sa kabutihan ng kanyang puso namakatulong sa mga taong nangangailangan.

Katunayan, naibahagi ni Ogie Diaz na isa umano si Chad sa mga consistent na nagbibigay ng tulong sa kanilang Dugong Alay, Dugtong buhay at Kasuso Foundation.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel