Chad Kinis, inaming hindi iniyakan ang huling nakarelasyon
- Natanong ni Ogie Diaz si Chad Kinis kung iniyakan nito ang kanyang huling nakarelasyon
- Matapang naman niya itong sinagot at ipinaliwanag kung bakit hindi na niya ito umano pinag-aksayahan ng luha
- Gayunpaman, sinabi ni Chad na lagi naman siyang nagiging masaya sa lahat ng kanyang nakarelasyon
- Aniya, ang pagtatapos umano ng isang relasyon ay pagkakataon namang makahanap ng mas nararapat na tao para sa kanyang pagmamahal
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Diretsahan ang sagot ni Chad Kinis kay Ogie Diaz nang matanong siya nito kung iniyakan niya ang huling nakarelasyon.
Nalaman ng KAMI hindi raw iniyakan ni Chad ang huling taong kanyang nakarelasyon at pinaglaanan ng pagmamahal.
Aniya 'different kind of pain' daw ito na kung pareho lamang ang rason sa mga nagdaan niyang karanasan, hindi na raw talaga niya ito iniiyakan.
"Hindi ako actually nagdi-dwell sa lungkot, pero na-realize ko hindi. mas nagiging masaya ako. Alam mo kung bakit? It's an opportunity for me to move on, to live on and to find someone who really deserves my love and I deserve too," paliwanag ni Chad.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Mas ok ako sa isang relasyon na alam kong minamahal ako ng totoo, Kesa alam kong pinaglalaruan lang ako," dagdag pa niya.
Inamin din ni Chad na nagtapos ang kanilang relasyon na hindi sila magkaibigan at hindi niya umano pinagsisisihan ito.
Aniya, masama man ang kanyang loob ngayon nilinaw niyang hindi ito galit gayung magkaiba umano ang mga ito.
"Wala na, binitawan ko na lahat 'yun," matapang na inihayag ni Chad.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:
Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Kasalukuyan na silang mayroong 1.97 million subscribers.
Kilala rin si Chad sa kabutihan ng kanyang puso na makatulong sa mga taong nangangailangan.
Katunayan, naiabahgi ni Ogie Diaz na isa umano si Chad sa mga consistent na nagbibigay ng tulong sa kanilang Dugong Alay, Dugtong buhay at Kasuso Foundation.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh