Andrew Schimmer, naging emsoyonal sa mensahe ng mga anak para sa kanya

Andrew Schimmer, naging emsoyonal sa mensahe ng mga anak para sa kanya

- Hindi napigilang maiyak ni Andrew Schimmer sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer

- Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host

- Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy

- Alam umano nila na kung makakapgsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naluha si Andrew Schimmer nang mapakinggan ang mensahe ng kanyang mga anak na sina Andrea at Sandro Schimmer nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25. Ayon sa anak niya, alam nilang napapagod na rin ang ama nila pero sana ay magpahinga din daw ito para hindi na magkasakit.

Read also

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe tungkol sa loyalty: “I’ll be your backbone”

Andrew Schimmer, naging emsoyonal sa mensahe ng mga anak para sa kanya
Andrew Schimmer, naging emsoyonal sa mensahe ng mga anak para sa kanya (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Ayon pa sa panganay na anak na si Andrea, alam niya umanong kung makakapgsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila para hindi ito magkasakit.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Kamakailan ay inahagi ni Andrew ang update tungkol sa kalagayan ng kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakatanggap na umano sila ng clearance mula sa ilang doktor nila at naghihintay na lamang sila ng clearance mula sa kanilang pulmonologist. Kapag maayos umano ang resulta ng mga laboratory tests ay maaring maiuwi na nila sa katapusan ng buwan ang kanyang misis. Muli ay pinasalamatan ni Andrew ang mga netizens na tuloy-tuloy ang pagdarasal para sa kanila.

Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel