Mariano Lingay, nilinaw na na-setup lang siya sa inilabas na video ng dating talent agency

Mariano Lingay, nilinaw na na-setup lang siya sa inilabas na video ng dating talent agency

- Matapos ilabas ng SY Talent Entertainment ang video na umano'y magpapakita ng tunay na ugali ng dating talent nila na si Mariano Lingay, nilinaw ni Mariano ang tungkol sa video

- Ani Mariano, hindi totoong sinaktan niya ang ipinapareha sa kanyang si Cindy dahil gusto lamang niya umanong umalis na sa nasabing talent agency

- Gayunpaman, pinipigilan daw siya ni Cindy kaya ginawa niya ang kanyang makakaya upang makatakas

- Sinabi niya rin na ang lahat ng kanilang ipinapakita sa YouTube channel ng SY Entertainment ay pawang scripted

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na si Mariano Lingay matapos ilabas ng SY Talent Entertainment ang video na umano'y patunay ng pananakit umano ni Mariano sa sinasabing kasintahan nitong si Cindy.

Inireklamo ni Cindy si Mariano ng pananakit. Gayunpaman, walang naipakita sa CCTV footage na sinasaktan siya ni Mariano.

Read also

Andi Eigenmann, nilinaw ang tungkol sa pag-snob niya daw sa guests sa Siargao

Mariano Lingay, nilinaw na na-setup lang siya sa inilabas na video ng dating talent agency
Screenshot from Rated Korina/Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang video na ibinahagi sa Facebook, nilinaw ni Mariano na na-set-up lamang siya. Ayaw niya na umano sanang bumalik sa talent agency dahil hindi na umano maganda ang nangyayari doon.

Mariin niya ring pinabulaanan na sinaktan niya si Cindy.

Sinabi niya din na lahat umano ng mga pinapalabas nila ay scripted at hindi umano totoo maging ang pinalabas na naging magkarelasyon sila noon ni Angel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mariano Lingay ay labing walong taong gulang na Aeta na mula sa Mabalacat, Pampanga. Pangatlo siya sa anim na magkakapatid.

Hilig umano niya ang pagkanta. Kaya naman naglakas loob siyang sumali sa isang Street Karaoke Challenge. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan sa mas marami pang oportunidad.

Read also

Jon Gutierrez, nag-react sa "paulit-ulit nalang mga palabas" post ni Skusta Clee

Nakipag-ugnayan sa kanya ang isang talent agency at inalok siyang maging on-cam star sa vlog. Dito siya naitambal kay Angel na mula naman sa Porac Pampanga.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang, naipalabas sa Rated K ang kwento nina Mariano at Angel dahil sa pagsikat nila sa social media.

Simula nang magkaroon ng pandemya at naging limitado ang galaw ng mga tao, mas naging patok ang panonood ng mga videos sa social media. Kaya naman, maraming mga tambalan ang sumikat kagaya na lamang ng JaMille, sina Jelai Andres at Jon Gutierrez at marami pang iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel