Ion Perez, titigil na lang sa pagmo-motocross para sa katahimikan ng loob ni Vice Ganda

Ion Perez, titigil na lang sa pagmo-motocross para sa katahimikan ng loob ni Vice Ganda

- Ayon kay Ion Perez, tiutigil na siya sa pagmo-motocross at magba-bike na lamang siya

- Ito umano ay para sa kapanatagan ng loob ng kanyang partner na si Vice Ganda

- Matatandaang nagkaroon ng injury si Ion dahil sa kanyang pagmo-motor at kinailangan niyang tumigil

- Sa kasalukuyan ay nakakahiligan ni Ion na magbisiklita ang mga kasamahan niyang cyclists

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Ion Perez na titigil na umano siya sa pagmo-motocross. Ito ay para umano sa katahimikan ng damdamin at puso ng partner niyang si Vice Ganda.

Ion Perez, titigil na lang sa pagmo-motocross para sa katahimikan ng loob ni Vice Ganda
Ion Perez, titigil na lang sa pagmo-motocross para sa katahimikan ng loob ni Vice Ganda (@pereziion27)
Source: Instagram

Gayunpaman, aniya, parehas lang na masakit sa bulsa ang pagmo-motocross at pagbibisekleta. Sa kasalukuyan ay nakakahiligan ni Ion na magbisiklita ang mga kasamahan niyang cyclists.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ivana Alawi, excited na sa gagawing MMFF movie nila ni Vice Ganda

Narito ang komento ng mga viewers sa pinakabagong vlog na nilabas ni Ion:

Buti nlang bike nlang ang hobby mo Ion...delikado kasi yong motocross....mapanatag ma ang kalooban nang asawa mo...mag ingat ka palage habang nag bababike kayo...God bless sa inyong dalawa ni meme
Tama Ion, safety first sa feelings ni Meme, lage kbado sa motorcros eh, bike nlng, good luck and God bless, keep safe always..
Hello ion idol congratulations to your new bike,you deserve it because of your hardwork.

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Binahagi ni Ion ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga tao sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanyang feeding program. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Read also

Vilma Santos, pinakita ang biniling regalo para sa kanyang apo

Pinakita din ni Ion ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan. Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated." Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles. Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel