Vilma Santos, pinakita ang biniling regalo para sa kanyang apo

Vilma Santos, pinakita ang biniling regalo para sa kanyang apo

- Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut"

- Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower

- Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila

- Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Vilma Santos sa kanyang vlog ang binili niyang regalo para sa kanyang unang apo. Hindi nito maitago ang kasiyahan at excitement sa kanyang pagiging lola.

Vilma Santos, pinakita ang biniling regalo para sa kanyang apo
Vilma Santos, pinakita ang biniling regalo para sa kanyang apo (@senorita_jessy)
Source: Instagram

ukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Narito ang komento ng mga viewers sa vlog ng Star for All Seasons.

Iba talaga ang feeling nang isang bagong Lola...Makikita mo yong excitement kai ate Vi super happy talaga nang aura niya at siya pa ang unang nagbigay ng gift para sa soon to be apo nia na si peanut...Congratulations to the new parents Luis and Jessie Manzano at kay momsie Vi!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Wow very good Lola Gov Vilma Santos, happy si sir Lucky at Ma'am Jessy specially to apo peanuts
I'm so happy ate Vi kac kitang kitang po sa mukha mo po ang kasiyahan na sobrang excited ka na po maging Momsie Vi at makita c baby Peanut, we love you ate Vi

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Sa YouTube video ni Luis, ang asawang si Jessy ang nagsilbing host sa panayam niya kay Luis. Binahagi ni Luis ang kanyang mga saloobin kaugnay sa pagiging isang first time daddy sa edad na 41. Naging emosyonal ito nang muli niyang balikan ang pagsailalim sa ultrasound kamakailan kay Jessy kung saan makikita ang kamay ng kanilang anak na animo'y kumakaway sa kanila. Ani Luis, maituturing niya itong best experience niya mula nang malaman nila ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Jessy.

Binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang reaksiyon ng kani-kanilang pamilya tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi na nila nakuhanan ng video ang unang naging reaksiyon ng pamilya ni Jessy dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Bukod pa dito ay agad umanong pinagsabi ng kanyang mama ang balita dahil sa sobrang tuwa nito. Halos maiyak naman sa tuwa ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel