Maricel Soriano, nagpaturo ng pole dancing kay Ciara Sotto

Maricel Soriano, nagpaturo ng pole dancing kay Ciara Sotto

- Sinubukan ni Maricel Soriano ang pole dancing at nagpaturo siya sa kanyang anak-anakan na si Ciara Sotto

- Sa edad niyang 57 ay hindi nito inatrasan ang hamon at hirap sa kanyang first time na sumubok nito

- Bumilib naman si Ciara sa kanyang Nanay Marya dahil kahit unang beses pa lang nitong sinubukan ay nagawa umano nito ang ilang bagay na hindi nagagawa ng ibang first timers

- Aminado naman si Maricel na hindi madali ang mga bagay-bagay pero aniya ay nag-enjoy naman siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi inatrasan ni Maricel Soariano ang pagsubok sa pole dancing sa kanyang edad na 57. Bumilib naman si Ciara sa kanyang Nanay Marya dahil kahit unang beses pa lang nitong sinubukan ay nagawa umano nito ang ilang bagay na hindi nagagawa ng ibang first timers.

Read also

Heart Evangelista, nagbahagi ng maikling tour sa kanyang bagong condo

Maricel Soriano, nagpaturo ng pole dancing kay Ciara Sotto
Maricel Soriano, nagpaturo ng pole dancing kay Ciara Sotto (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Maging ang kanyang mga fans ay naaliw at bumilib sa Diamond Star. Ayon nga sa kanya, ieexplore niya ang lahat mapasaya lang ang kanyang mga fans. Narito naman ang komento ng ilan sa kanyang mga subscribers:

Ms. Maricel never lose her grace in dancing. This vlog content proven that she's a Dancing Queen!
Good! Job Ciara. That was so sweet of you for teaching Maricel so patiently knowing that it’s her first time to do pole dancing exercise. You guys both look amazing by the way

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Thank you Ciara for encouraging Inay to Pole dancing. Ang husay mo

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Read also

Janella Salvador, nilinaw na gusto niya ng tinapa: "Hindi ko lang inexpect"

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel