Maricel Soriano, nakasama ang Quizon brothers na tinuturing niyang mga kapatid

Maricel Soriano, nakasama ang Quizon brothers na tinuturing niyang mga kapatid

- Sa kanyang pinakabagong vlog episode, nakasama ni Maricel Soriano ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph

- Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon

- Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy

- Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapagkumustahan ang Quizon brothers at ang Diamond star na si Maricel Soriano sa isang vlog episode ni Maricel na kanyang pinamagatang Boodle Fight with the Quizon Brothers. Dito din sila nakapag-balik-tanaw sa kanilang mga masasayang alaala kasama ang kanilang Daddy Dolphy.

Maricel Soriano, nakasama ang ang Quizon brothers na tinuturing niyang mga kapatid
Maricel Soriano (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Malapit si Maricel sa magkakapatid dahil din sa pagiging malapit nito kay Dolphy na gumanap ding tatay sa kanya sa seryeng "John en Marsha."

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Napagkwentuhan din nila ang mga bagay-bagay na kanilang pinagkakaabalahan sa kasalukuyan. Kung si Epi at Eric ay nanatili sa paggawa ng pelikula, si Vandolph naman ay sumabak sa serbisyo publiko.

Ayon kay Vandolph, nakapagparamdam lang sa kanya ang ama nila nang unang beses siyang ma-proclaim bilang isang public servant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens ay napa-balik-tanaw din matapos mapanuod ang kanilang video:

Whenever you say the word “daddy” ate maria so nostalgic and so genuine. Heard that growing up. Tito Dolphy so fun to watch especially when my grandp watch before
e miss Dolphy. I rewatched John & Marsha on YT and laughed so hard at his antics. I love this episode, the bonding is fantastic. Love to see all of you together! Epi is a replica of his dad. Even Vandolph reminds me of his dad.

Read also

Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF

Ang sarao makita ang mga Quizon family, kamiss talaga lalo na ang king of comedy, Dolphy. Salamat Maria ang ganda ng content mo and Happy birthday uli. May God bless you more

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Kamakailan ay nakasama si Maricel sa vlog ng kanyang pamangkin na si Meryll Soriano. Kinaaliwan ang kanilang ibinahaging TikTok video.

Hindi naitago ni Maricel ang kanyang pagkagiliw sa dalawang apo sa pamangking si Meryll.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel