Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF

Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF

- Sa kauna-unahang pagkakataon, isiniwalat ng mag-asawang Cheska at Doug Kramer ang plano nila na magkaroon pa ng ikaapat na anak

- Sa panayam sa kanila ni Toni Gonzaga, naikwento ni Doug ang pinagdaraanan nila sa paghahangad na magkaroon pa ng anak kasunod ng kanilang bunso na si Gavin

- Aniya, labis niyang na-appreciate ang misis na si Cheska sa tatlong beses na kabiguang magkaroon muli ng anak sa pamamagitan ng IVF

- Isa sina Doug at Cheska Kramer sa mga showbiz couple na hinahangaan at labis na nagbibigay ng inspirasyon sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila naging isang rebelasyon ang panayam ni Toni Gonzaga sa mag-asawang sina Cheska at Doug Kramer.

Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF
Doug Kramer, isiniwalat ang makailang beses na nabigong sundan si Gavin sa pamamagitan ng IVF
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kauna-unahang pagkakataon, isiniwalat ni Doug ang pagnanais nila muli na magkaroon ng ikaapat na anak sa pamamagitan ng In vitro fertilization o IVF.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Aniya, labis niyang na-appreciate ang misis na si Cheska na nananatiling matatag at positibo sa kabila ng tatlong beses na pagkabigong makabuo ng isa pang biyaya sa kanilang pamilya.

"A lot don't know, and we haven't said this enough. We've gone through 3 failed IVF's already, post- Gavin. And you know she's been ligated for medical reasons before. But we've gone through 3 failed IVF's and right now we're on our fourth and our last," pahayag ni Doug.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"But for me I appreciate my wife so much because it's hard to have that kind of failure thinking that it's your fault. But still she continues to try the second, the third and the fourth," Dagdag pa ni Doug.

Kaya naman buong pamilya nila ang labis na nagdarasal na matupad ang hiling nila na isa pang supling na magdaragdag ng kasiyahan sa Team Kramer.

Read also

Alexa Ilacad, naikwentong si Nash Aguas ang nasa likod ng naisulat niyang awit na "Paano"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila mula sa Toni Gonzaga Studios:

Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa ngayon, ang 'Team Kramer' ang isa sa mga inspiring families sa bansa. Isa sa mga naibahagi nila sa kanilang vlogs ay ang transformation ng condo nila.

Kahit pa ang kanilang pamilya ay maituturing na ilan sa mga pinaka-successful pagdating sa kanilang mga investment, inamin ni Doug na hindi naging madali ang kanilang pagsisimula.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel