Alexa Ilacad, naikwentong si Nash Aguas ang nasa likod ng naisulat niyang awit na "Paano"

Alexa Ilacad, naikwentong si Nash Aguas ang nasa likod ng naisulat niyang awit na "Paano"

- Inamin ni Alexa Ilacad na si Nash Aguas ang umano'y rason kung bakit niya naisulat ang awiting 'Paano'

- Ito ay ang kanyang awit na nai-release kamakailan ngunit naisulat niya noon pang 2016

- Naibahagi niyang ito ay ang panahong tila gumuho ang mundo niya dahil kay Nash

- Naikwento rin niyang hindi sila magkaibigan at hindi napag-usapan ang nangyari sa kanilang relasyon noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga naikwento ni Alexa Ilacad sa panayam sa kanya ni Karen Davila ay ang tungkol sa kare-release lamang niyang awitin.

Alexa Ilacad, naikwentong si Nash Aguas ang nasa likod ng naisulat niyang awit na "Paano"
Alexa Ilacad, naikwentong si Nash Aguas ang nasa likod ng naisulat niyang awit na "Paano"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na si Nash Aguas ang dahilan kung bakit naisulat ito ni Alexa noon pang 2016.

Diretsahan kasi siyang natanong ni Karen kung para kanino o sino ang naging inspirasyon ng 'heartbreak' song niya na 'Paano.'

"'Yung kanina po," ang naisagot ni Alexa. Una na kasi nilang napag-usapan ni Karen ang tungkol sa nangyari sa relasyon nila noon ni Nash.

Read also

Alexa Ilacad, aminadong nasaktan ngunit napatawad na si Brenda Mage

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, hindi sila magkaibigan ni Nash at hindi raw ito humingi ng tawad at 'di nila napag-usapan ang sinapit ng kanilang relasyon noon. Gayunpaman, sinabi niyang napatawad na umano niya ang aktor sa mga nangyari sa kanila.

"We're not friends but I have forgiven him. Even of he really never said sorry or ask for forgiveness. But it's okay. I forgave him for my own peace of mind and for the peace in my heart," paliwanag ni Alexa.

Kaya naman ang kantang 'Paano' ay patungkol sa kanyang naramdaman noon gayung naisulat niya ito isang araw matapos na tila gumuho ang mundo niya sa kanyang inamin na 'first love.'

"I actually wrote it po 2016... The day after everything crashed and fell, I was able to write 'Paano'"

Read also

Vice Ganda, ibinahagi ang lambingan at kulitan nila ni Ion Perez bago matulog

Narito ang kabuuan ng panayam kay Alexa mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Bukod kay Alexa, nakapanayam din ni Karen Davila si Francine Diaz kamakailan kung saan binisita mismo niya ito sa naipundar na bahay. Doon naikwento rin ni Francine na "No Boyfriend Since Birth" pa rin siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel