Heart Evangelista, nagbahagi ng maikling tour sa kanyang bagong condo

Heart Evangelista, nagbahagi ng maikling tour sa kanyang bagong condo

- Binahagi ni Heart Evangelista ang isang panibagong video kung saan may pasilip siya sa kanyang bagong condo

- Pinakita niya ang kanyang mga space saving at functional aplliances na kanyang nilagay sa kanyang 1-bedroom condo unit

- Bukod sa kanyang kwarto, mayroon din siyang workspace kung saan niya ginagawa ang kanyang mga content at meeting

- Ayon sa kanya, pinakapaborito niyang bahagi ng kanyang condo ang kanyang maliit na kitchen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Heart Evangelista ng maikling tour sa kanyang bagong 1-bedroom condo unit. Hindi malaki ang space ng kanyang unit ngunit binahagi niya ang kanyang mga space saving at functional appliances.

Heart Evangelista, nagbahagi ng maikling tour sa kanyang bagong condo
Heart Evangelista, nagbahagi ng maikling tour sa kanyang bagong condo (@iamhearte)
Source: Instagram

Sa gitna ng mga lumabas na bali-balita kaugnay sa umano'y paghihiwalay nila ni Chiz, nanatiling tikom ang bibig ng aktres kaugnay sa issue. Gayunpaman, marami sa kanyang mga viewers ang naghayag ng kanilang suporta sa aktres saa gitna ng pinagdadaanan nito:

Read also

Teaser ng interview ni Toni Gonzaga kay PBBM, agad na nag-viral

You are the consumate professional always giving the very best in everything you do. The best of luck in this next chapter of your life and career Ms Heart. Your fans will always be cheering for you.
Hoping that you are happy and contented right now. Make the best of what life has to offer. Best of luck Ms. Heart.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hope you are well missy. Always choose love and your happiness. But when you are still in doubt, trust Him you will not be forsaken. Take care always

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Read also

Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel