Luis Manzano, emosyonal na ibahagi ang aniya'y unang interaction ng anak sa kanila

Luis Manzano, emosyonal na ibahagi ang aniya'y unang interaction ng anak sa kanila

- Sa YouTube video ni Luis Manzano, ang asawang si Jessy Mendiola ang nagsilbing host sa panayam niya kay Luis

- Binahagi ni Luis ang kanyang mga saloobin kaugnay sa pagiging isang first time daddy sa edad na 41

- Naging emosyonal ito nang muli niyang balikan ang pagsailalim sa ultrasound kamakailan kay Jessy kung saan makikita ang kamay ng kanilang anak na animo'y kumakaway sa kanila

- Ani Luis, maituturing niya itong best experience niya mula nang malaman nila ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Jessy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Jessy Mendiola ang nag-take over ng vlog ni Luis Manzano sa kanyang segment na Luis Listens at ito ang unang panayam sa kanya bilang first time daddy. Naging emosyonal ito nang muli niyang balikan ang pagsailalim sa ultrasound kamakailan kay Jessy kung saan makikita ang kamay ng kanilang anak na animo'y kumakaway sa kanila.

Read also

Jonalyn Galleno, sinabing umamin sa kanya ang pinsan na hindi kay Jovelyn ang kalansay

Luis Manzano, emosyonal na ibahagi ang aniya'y unang interaction ng anak sa kanila
Luis Manzano, emosyonal na ibahagi ang aniya'y unang interaction ng anak sa kanila (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Aniya sa kanyang edad na 41, gusto niyang alagaan ang kanyang kalusugan para sa kanilang magiging anak at para na rin sa kanyang maybahay na lagi umanong nagpapaalala sa kanya na huwag maging pabaya sa kanyang kalusugan.

Panuorin ang kabuoan ng panayam dito:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Aminado sina Jessy at Luis na matagal silang sumubok para lang mabuntis si Jessy. Gayunpaman, ilang buwan dinn umano silang nadidismaya dahil sa paulit-ulit na pagkakabigo. Naibahagi pa ni Jessy na naiyak siya sa tuwing dadating ang kanyang buwanang dalaw dahil nangangahulugang hindi pa rin siya buntis. Kinalaunan ay hindi na sila masyadong namroblema tungkol dito at napagpasyahan umano nilang maghihintay na lamang sila.

Binahagi ni Jessy ang video kung saan una nilang nalaman ng kanyang mister na si Luis ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Aniya, naramdaman niya na lang na parang may laman na ang kanyang sinapupunan kaya naghinala na siya at nagpabili ng pregnancy test kit. Naibahagi din nila na matagal din silang na-istress sa paghihintay na mabuntis na siya hanggang sa napagpasyahan nilang hahayaan nila kung kailan ipagkakaloob ng Panginoon ang kanilang "greatest blessing." Makikita sa binahagi nilang video clip na emosyonal silang mag-asawa na sa wakas ay magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel