Jessy Mendiola at Luis Manzano, naging emosyonal nang unang malamang buntis na si Jessy

Jessy Mendiola at Luis Manzano, naging emosyonal nang unang malamang buntis na si Jessy

- Binahagi ni Jessy Mendiola ang video kung saan una nilang nalaman ng kanyang mister na si Luis Manzano ang tungkol sa pagdadalang-tao niya

- Aniya, naramdaman niya na lang na parang may laman na ang kanyang sinapupunan kaya naghinala na siya at nagpabili ng pregnancy test kit

- Naibahagi din nila na matagal din silang na-istress sa paghihintay na mabuntis na siya hanggang sa napagpasyahan nilang hahayaan nila kung kailan ipagkakaloob ng Panginoon ang kanilang "greatest blessing"

- Makikita sa binahagi nilang video clip na emosyonal silang mag-asawa na sa wakas ay magkakaroon na sila ng anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Jessy Mendiola nang makita ang dalawang positive result sa kanyang pregnancy test kit. Maging ang kanyang mister na si Luis Manzano ay hindi naitago ang kanyang kasiyahan nang malamang magiging ama na siya.

Read also

Luis Manzano, ibinida ang kanyang blooming na misis at ang baby bump nito

Jessy Mendiola at Luis Manzano, naging emosyonal nang unang malamang buntis na si Jessy
Jessy Mendiola at Luis Manzano, naging emosyonal nang unang malamang buntis na si Jessy (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Sa binahaging "Pregnancy Journey" episode ni Jessy sa kanyang YouTube channel, binahagi nila ang maikling video kung saan makikita ang reaksiyon nilang mag-asawa nang malamang magiging magulang na sila.

Nakwento din nila na matagal silang na-stress dahil sa kagustuhan nilang magkaanak na. Gayunpaman, kinalaunan ay napagpasyahan nilang hayaan na lamang kung kailan ibibigay sa kanila ang kanilang hiling.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy ang isang video kung saan pinanood nila ni Luis ang ilan sa matuturing niyang kanyang "most embarrassing moments on TV." Kabilang sa kanilang pinanood ay ang kontrobersiyal na panayam kay Jessy noong panahong nakakatanggap siya ng matinding bashing. Ani Jessy, ganun ang nangyayari kapag hindi nagiging totoo sa sarili kaya aniya kung may babaguhin siya sa kanyang ginawa noon, iyon ay sana mas nagpakatotoo na lang siya.

Samantala, inamin ni Luis na mas marami umano ang cash ng misis na si Jessy kaysa sa kanya. Aniya, kadalasan ay si Jessy ang nagbabayad kapag kailangan ng cash. Kahit pag lumalabas umano sila at maging sa bahay ay si Jessy ang kadalasang nagbabayad ng cash. Naibahagi niya ito nang sagutin niya ang most searched Google questions tungkol sa kanila nang mag-guest sila sa vlog ni Small Laude.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel