Luis Manzano, ibinida ang kanyang blooming na misis at ang baby bump nito

Luis Manzano, ibinida ang kanyang blooming na misis at ang baby bump nito

- Binida ni Luis Manzano ang picture ng kanyang maybahay na si Jessy Mendiola habang hawak nito ang kanyang tiyan

- Agaw-pansin sa mga netizens ang lalong gumagandang awwra ng aktres na buong pagmamalaking binabahagi sa social media ang kanyang baby bump

- Matatandaang kamakailan lang ay binahagi ng mag-asawa ang kanilang gender reveal video

- Dito nalamang babae ang pinagbubuntis ni Jessy kaya naman marami sa mga netizens ang nagsabing ito ang dahilan kung bakit lalo umano itong gumaganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Buong pagmamalaking binahagi ni Luis Manzano ang picture ng kanyang maybahay na si Jessy Mendiola. Marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa pagiging blooming ni Jessy na kasalukuyang nagbubuntis sa panganay na anak nila ni Luis.

Luis Manzano, ibinida ang kanyang blooming na misis at ang baby bump nito
Luis Manzano, ibinida ang kanyang blooming na misis at ang baby bump nito (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan lang ay binahagi ng mag-asawa ang kanilang gender reveal video. Dito nalamang babae ang pinagbubuntis ni Jessy kaya naman marami sa mga netizens ang nagsabing ito ang dahilan kung bakit lalo umano itong gumaganda.

Kung ganyan ba ako kaganda pag buntis kahit taon taon ako magpapabuntis.
Ka ganda nmn ng mommy nyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pustahan tayo girl Baby mo.

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Sa YouTube video ni Luis, ang asawang si Jessy ang nagsilbing host sa panayam niya kay Luis. Binahagi ni Luis ang kanyang mga saloobin kaugnay sa pagiging isang first time daddy sa edad na 41. Naging emosyonal ito nang muli niyang balikan ang pagsailalim sa ultrasound kamakailan kay Jessy kung saan makikita ang kamay ng kanilang anak na animo'y kumakaway sa kanila. Ani Luis, maituturing niya itong best experience niya mula nang malaman nila ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Jessy.

Binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang reaksiyon ng kani-kanilang pamilya tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi na nila nakuhanan ng video ang unang naging reaksiyon ng pamilya ni Jessy dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Bukod pa dito ay agad umanong pinagsabi ng kanyang mama ang balita dahil sa sobrang tuwa nito. Halos maiyak naman sa tuwa ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel