Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang mga reaksiyon ng pamilya nila sa kanilang pagkakaroon ng baby

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang mga reaksiyon ng pamilya nila sa kanilang pagkakaroon ng baby

- Binahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang YouTube channel ang reaksiyon ng kani-kanilang pamilya tungkol sa pagbubuntis niya

- Hindi na nila nakuhanan ng video ang unang naging reaksiyon ng pamilya ni Jessy dahil nasa ibang bansa ang mga ito

- Bukod pa dito ay agad umanong pinagsabi ng kanyang mama ang balita dahil sa sobrang tuwa nito

- Halos maiyak naman sa tuwa ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang naging reaksiyon ng kani-kanilang pamilya tungkol sa pagbubuntis ng aktres. Halos maiyak sa tuwa ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos.

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang mga reaksiyon ng pamilya nila sa kanilang pagkakaroon ng baby
Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang mga reaksiyon ng pamilya nila sa kanilang pagkakaroon ng baby (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Dahil hindi na nakuhanan ang kanilang unang reaksiyon, minabuti ng mag-asawa na kausapin ang pamilya ni Jessy sa pamamagitan ng video call. Nasa ibang bansa ang mga ito kaya hindi din nakuhanan ng video nina Jessy at Luis ang kanilang reaksiyon. Bukod pa dito ay agad umanong pinagsabi ng kanyang mama ang balita dahil sa sobrang tuwa nito.

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, naikwento ni Luis na noon ay "kuyang manyak" umano ang tawag sa kanya ng misis na si Jessy. Aniya, ang tinadhana ay talagang mangyayari kagaya na lamang ng nangyari sa kanila na ngayon ay mag-asawa na. Ito ay nang mapag-usapan nila sa kanyang video ang tungkol sa usapan tungkol sa mga taong itinadhana. Inamin naman ni Jessy na selosa siya noong unang taon nila bilang magkasintahan dahil umano sa pagiging malapit ni Luis sa mga babae.

Sa YouTube video ni Luis, ang asawang si Jessy ang nagsilbing host sa panayam niya kay Luis. Binahagi ni Luis ang kanyang mga saloobin kaugnay sa pagiging isang first time daddy sa edad na 41. Naging emosyonal ito nang muli niyang balikan ang pagsailalim sa ultrasound kamakailan kay Jessy kung saan makikita ang kamay ng kanilang anak na animo'y kumakaway sa kanila. Ani Luis, maituturing niya itong best experience niya mula nang malaman nila ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Jessy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel