Wilbert Tolentino, pumalag sa blind item na umano'y si Herlene Budol ang tinutukoy

Wilbert Tolentino, pumalag sa blind item na umano'y si Herlene Budol ang tinutukoy

- Diretsahang sinagot ni Wilbert Tolentino ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image

- Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin

- Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene

- Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sigurado umano si Wilbert Tolentino na si Herlene Budol ang tinutukoy ng isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin.

Wilbert Tolentino, pumalag sa blind item na umano'y si Herlene Budol ang tinutukoy
Wilbert Tolentino, pumalag sa blind item na umano'y si Herlene Budol ang tinutukoy (@herlene_budol)
Source: Instagram

Paglilinaw ng manager ni Herlene, hindi naman umano sa tumatanggi siya ngunit ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Read also

Kiko Matos: "Di bale ng walang buhok basta may FB"

Sure ako si Herlene Hipon Budol ang tinutukoy. hindi naman po sa tumanggi po ako pero dahil during nag iinquire po sila indi pa naka pag sign ng contract sa Binibining Pilipinas ang artist. Siempre bilang Manager obligasyon ko protektahan ang artist ko dahil may tamang proseso at kinakailangan dumaan eto sa organisasyon ng BBP. kapag sinabi ipag paalam kailangan pala e write up na? di ba in good relation naman ako sa lahat including pep.ph...Happy???

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wilbert Tolentino, pumalag sa blind item na umano'y si Herlene Budol ang tinutukoy
Wilbert Tolentino, pumalag sa blind item na umano'y si Herlene Budol ang tinutukoy (facebook.com/SirWilOfficialFanPage)
Source: Facebook

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Read also

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel