Marcelito Pomoy, nagbahagi ng biyayang kanyang natanggap

Marcelito Pomoy, nagbahagi ng biyayang kanyang natanggap

- Matapos maiuwi ang karangalan bilang 3rd runner-up sa “America’s Got Talent: The Champions”, nagbahagi din ng biyaya si Marcelito Pomoy

- Sa isang homecoming celebration sa Calauag, Quezon, namahagi ng pera ang singer

- Isang plaque of recognition ang inihandog ng mga local government official sa mang-aawit

- Hindi man nasungkit ang pagiging kampyon, nauna nang naibahagi ni Marcelito na dumagsa ang imbitasyon sa kanya na magperform sa iba't-ibang panig ng mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maipagkakailang todo ang natanggap na suporta ni Marcelito Pomoy mula sa kanyang mga kababayan. Kaya naman, hindi man nasungkit ang pagiging kampyon sa “America’s Got Talent: The Champions”, marami ang masaya sa tagumpay na nakamit ng mang-aawit.

Sa kaniyang pag-uwi sa Calauag, Quezon na hometown ng kanyang asawang si Joan, isang homecoming celebration ang sumalubong sa kanila. Isang plaque of recognition ang inihandog ng mga local government official kay Marcelito.

Hindi din nakaligtaang magbahagi ng biyaya ni Marcelito sa mga taong sumalubong sa kanya. Sa parada ay namudmod si Marcelito ng pera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagbabahagi ng singer, marami ang nakaabang na trabaho sa kanya matapos makatanggap ng mga imbitasyon mula sa iba't-ibang panig ng mundo.

Matatandaang naging isa si Marcelito sa paborito ng mga netizens nang lumaban ito sa prestihiyosong talent show.

Si Marcelito "Mars" Castro Pomoy ay nakilala sa kanyang husay sa pagkanta gamit ang tenor at soprano voice. Siya ang tinanghal na grand winner ng Pilipinas Got Talent season 2. Dahil sa kanyang pagkapanalo sa PGT, natupad ang pangarap niyang mabuo ang kanyang pamilya.

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Marcelito na "We are the World" ang awiting kanyang napili sana na kantahin sa America's Got Talent: The Champions.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel