Pasilip sa pangmalakasang performance ni Marcelito Pomoy sa AGT semi-finals, inilabas na

Pasilip sa pangmalakasang performance ni Marcelito Pomoy sa AGT semi-finals, inilabas na

- Ibinahagi ng America's Got Talent sa YouTube ang isang pasilip sa naging performance ni Marcelito Pomoy

- Napili ni Marcelito ang awiting "Con Te Partirò" na pinasikat ni Andrea Bocelli

- Marami ang nag-aabang kung makakapsok sa finals ang pambato ng Pinas

- Mapapanood ang kabuuan ng kanyang perfomance sa Martes, February 4

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbahagi ng preview ng performance ni Marcelito Pomoy ang YouTube channel ng America's Got Talent. Sa maiksing video na kanilang ibinahagi, naipakita ang husay ng Pinoy singer na gamitin ang kanyang tenor at soprano voice.

Hindi paman umabot ng 24 oras mula nang ito'y ibahagi, umani na ito na mahigit isang milyong views. Marami din ang na-excite na mapanood ang kabuuan ng kanyang performance na ayon sa AGT ay mapapanood sa susunod na mga araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nag-trending ang kanyang audition performance sa nasabing talent show kung saan inawit niya ang The Prayer na inawit din ni Andrea Bocelli at Celine Dion.

Marami ang napabilib sa kanyang kakayahang kumanta gamit ang boses na pambabae at panlalaki. Kahit ang mga judges ay walang masabi kundi papuri para sa Pinoy singer. Umani din ng standing ovation ang kanyang pag-awit.

Narito ang ilang komento ng kanyang mga tagahanga hinggil sa kanyang napiling kanta.

Timely and in life there’s a point that we need to say goodbye no matter how hurtful it would be ...but Marcelino Pomoy will move on to the final . Happy that they didn’t send him straight to the final as we able to heard from him more ..!!! To the final @marcelitopomoyAGTFinally
The song of Marcelito Pomoy is dedicated to our NBA legend Kobe Bryant
All your songs that you sang is very timely of what happenning around the world plus the incredible singing talent that you have. Rooting you to become the champion on this season

Hindi pa man nailalabas ang kabuuan ng kanyang performance, no.1 trending na kaagad ang video na ibinahagi ng AGT YouTube channel. Umabot na sa 1,507,503 views ang nasabing video.

Matatandaang sinabi ni Marcelito na sampung kanta ang kanyang inaral para mapagpilian sa kanyang semi-finals performance.

Si Marcelito "Mars" Castro Pomoy ay nakilala sa kanyang husay sa pagkanta gamit ang tenor at soprano voice. Siya ang tinanghal na grand winner ng Pilipinas Got Talent season 2.

Dahil sa kanyang pagkapanalo sa PGT, natupad ang pangarap niyang mabuo ang kanyang pamilya matapos nilang mawalay.

POPULAR: Read more entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel